^

Pang Movies

Zia at Ziggy, showbiz na agad

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Zia at Ziggy, showbiz na agad
Zia at Ziggy

Mukhang susundan nina Zia at Ziggy, ang dalawang anak ng Kapuso Royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang yapak ng parents nila. Kung si Zia ay nahihilig sa mga ginagawa ng ama bilang director-actor na kasama na sa Team Dantes tuwing magti-taping sa bahay nila ng spiels ng Tadhana, si Marian, si Ziggy naman ay nahihilig tularan ang pag­luluto ng ina. Mahusay magluto si Marian at kaya niyang magluto ng mga pagkaing isini-serve niya sa kanyang mag-aama.

Ang cute ni Ziggy sa IG story ni Marian na nakasuot pa ng baker’s hat at gumagawa sila ng pizza.  Si Ziggy ang naglagay ng toppings sa pizza at ang huling post ni Marian, si Ziggy rin ang tumikim ng niluto nilang mag-ina.  Ine-enjoy ni Marian ang mga ginagawa niyang ganito habang natututukan din niya ang mga anak sa mga ginagawa nila.

Sen. Bong, ibabalik ang FB live

Happy birthday to Senator Bong Revilla on Saturday, Sept. 25. 

Para sa kanyang birthday, ibabalik niya sa Facebook Live, ang Kap’s Agimat Birthday Giveaway at muli siyang mamimigay ng gadgets, tulad ng laptop, cellphone, at iPad. Magbibigay din siya ng Kabuhayan package at cash prizes.

Gabbi, enjoy sa EB

Enjoy si Kapuso actress Gabbi Garcia sa pagho-host niya ngayon sa Eat Bulaga. No problem kay Gabbi kung kailangan niyang mag-lock-in taping sa APT Studios kasama ang co-hosts niyang sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Ryan Agoncillo. Mondays to Wednesdays kasi live muna sila at after the show, itini-tape naman nila ang episodes na ipalalabas nila ng Thursdays to Saturdays.

Bago ang unang pasok ni Gabbi sa EB, nakapag-taping na siya at ang boyfriend niyang si Kapuso actor Khalil Ramos ng third episode ng Regal Studio Presents (RSP), ng hilarious episode na One Million Comments, Magjo-jowa Na Ako. Directed by Easy Ferrer, ang third episode ng RSP ay mapapanood na sa new timeslot nito on Sunday, Sept. 26, 4:35 p.m., after ng Dear Uge.

Happy ang fans nila dahil matagal na nilang wish na mapanood na magkasama sa isang serye ang mga idolo nila bagama’t napapanood naman sila sa All-Out Sundays sa GMA 7.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with