^

Pang Movies

Gerald, gagawa ng pelikula sa abroad!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Gerald, gagawa ng pelikula sa abroad!

Nagpapaka-turista ngayon sa Vienna, Austria si Gerald Anderson.

Wala siyang sinasabi, pero diumano ay may iso-shoot ito doong pelikula pero wala pang details. Basta lang sabi ni Gerald, “Turista in Belvedere, Vienna Austria.”

Meron pa siyang isang post na “Turista in Schönbrunn Palace, Vienna Austria (sorry sobrang turista ang post).”

Pero ang layo pala ng number of followers ni Gerald sa girlfriend niyang si Julia Barretto. Ang actor ay may 1.1 million IG followers habang si Julia ay 10.4 million.

Wala ring may idea kung susunod doon si Julia.

Hindi na lumaki at pinag-usapan ang huling sinabi ni Gerald na gusto niyang mag-sorry kay Bea Alonzo.

Sixto, gustong panggigilan

Napaka-kyut ni Sixto sa IG stories ni Marian Rivera habang gumawa ito ng pizza na tiyak na performance task niya sa online class.

As in tingnan mo pa lang, gusto mo nang panggigilan.

Work from home pa rin si Marian hanggang ngayon pero konting kembot na lang daw at maayos na ang nilulutong project para sa kanilang mag-asawa.

LJ, nag reinvent

All praises ang netizens sa bagong hairdo ni LJ Reyes.

Nag-post kasi ito ng new hair style with bangs habang nasa Manhattan, New York. (SUNDAN SA PAHINA 6)

Naka-OOTD din ito ng baby pink na malayo na sa dating LJ na parang hindi nag-aayos.

Maging sa kanyang IG story ay sinabi nitong nag-enjoy siyang mag-make up.

Yes, new LJ, totally nag-reinvent siya sa kanyang mga new posting.

May mga nakapansin kasi noon na hindi na gaanong nag-aayos si LJ. Ito ‘yung time siguro na nagkaka-problema na sila ni Paolo Contis na ngayon pala ay nasa taping na uli ng I Left My Heart in Sorsogon. Ayaw na rin daw magsalita ng actor sa mga nangyari.

Kasal sa simbahan ni JC at Misis, natuloy na

After more than a week, posted na sa social media ang wedding nina JC de Vera at Rikkah Cruz!

Actually, hindi ito ang first wedding nila.

Nauna na silang ikinasal last 2018, civil ceremony.

May anak na sila, si Lana Athena.

Last 2020 pa supposedly ikakasal si JC and Rikkah, pero dahil nga sa pandemic, hindi na natuloy.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with