^

Pang Movies

Kim, nag-sorry sa maling Bible verse!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, nag-sorry sa maling Bible verse!

Ang dami na namang nag-react sa blooper ni Kim Chiu sa It’s Showtime na nagkamali siya sa verse ng Bible.

Sa isang segment kasi ay pinag-uusapan nila ni Vice Ganda ang pangalan ng isang contestant na si Psalm Manalo.

Nag-dialogue si Kim ng “ang ganda ng pangalan niya, ‘Ma, ‘no? Psalm. Parang mga gospel ‘yan sa Bible, Psalm 3:16 For God so loved the world, He gave up His only son, di ba?”

Ikinorek agad si Kim ng netizens sa social media at sinabing John 3:16 ang verse at hindi Psalm 3:16.

“Sis  @prinsesachinitan John 3:16 yun beh hahaha hindi Psalm. haha you’re the cutest.Love you beh! #TNT5AngHulingTapatan hahaha,” tweet ng isang fan.

Nakita naman agad ni Kim ang tweet at humingi siya agad ng dispensa.

“Ay mali pla ako (see-no-evil monkey emoji) sorry po,” ang sagot ni Kim.

Pero kung dati ay grabe ang panlalait ng netizens sa bloopers ni Kim, this time ay tila nasanay na sa kanya at tinatawanan na lang siya. Na-appreciate rin nila ang pag-amin ng aktres sa pagkakamali at pagso-sorry.

“Ok lang yan kim, lahat ng tao nagkakamali, pero nakakahanga ka dahil alam mong magsorry. Hayaan mo na lang mga makikitid ang utak, may mali na talaga sa pagkatao nila,” komento ng isang netizen.

“So humble Kimmy that’s why we admire you most. Sa iba Jan perfect ba Kayo? Never ba kayo nagkamali sa whole life nyo?” sey naman ng isa pa.

“Mahal ka pa rin namin!” sabi naman ng isang fan.

Sen. Manny, May 22-round agenda na!

Nakagawa na pala ng 22-round agenda si Sen. Manny Pacquiao na listahan ng priorities niya sakaling mahalal siya bilang Pangulo. Ginawa raw niya ito habang nasa Amerika siya kamakailan para sa laban nila ni Yordenis Ugas.

Aniya sa panayam niya sa Toni Talks vlog ni Toni Gonzaga, ang first round daw ay “fight against corruption” at ito raw talaga ang no. 1 priority niya. Nais daw niyang ipakulong ang lahat ng kawatan sa gobyerno.

Binanggit niya pa ang ilan sa kanyang mga agenda tulad ng econo­mic growth and development, employment, free housing, improvement of health care services pero kapansin-pansin na wala sa top 5 priorities niya ang pagresolba sa pandemya na siyang pinakamalaking problema natin ngayon.

Pero in fairness, ang bongga naman ng mga balak niya at talagang kapag nagawa niya ay tiyak na uunlad na ang bansa pero ‘yun nga lang, dapat ay unahin muna niya ang pag-address pandemic.

Anyway, we just wish na kung mananalo siya ay matupad niya lahat ang pangakong ito dahil halos lahat naman ng pulitiko ay ganito rin ang mga sinasabi kapag nangangampanya.

Pero hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang mga pangunahing problema ng bansa na lagi nilang pinapangakong lulutasin.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with