^

Pang Movies

Mariel, nadiing DDS nang purihin si Kim!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mariel, nadiing DDS nang purihin si Kim!

Nag-comment  lang si Mariel Padilla ng “ganda-ganda niyo lahat” sa post ni Kim Chiu ng photo niya kasama ang ibang host ng It’s Showtime, may sumagot agad sa kanya na mas masaya talaga ang show kapag walang DDS. Mabuti at hindi na lang sumagot si Mariel sa patutsada ng netizens.

Sabagay, nasanay na rin siguro si Mariel na sabihang DDS dahil nga sa asawang si Robin Padilla na kilalang malapit kay President Rodrigo Duterte. Lalo pang madidiin si Mariel na DDS kapag natuloy tumakbo sa 2022 elections si Robin. Kung hindi man daw pagka-senador ang takbuhan ni Robin, may dalawa pang ibang position na kanyang pagpipilian.

In fairness, may netizens naman na mabait at ni-request na bumalik si Mariel sa It’s Showtime dahil nami-miss na nila ito. Kaya lang, mas masaya na yata si Mariel na ina ng dalawa nilang mga anak ni Robin at bilang misis ng aktor.

Saka, busy siya sa pagluluto dahil nang magka-pandemic, pumasok siya sa food delivery business at siya mismo ang nagluluto. Tinawag niyang Cooking Ina Food Market.

Carla, ‘di sigurado kung kayang patawarin ang cheater na partner

Tungkol sa infidelity ang tema ng To Have and To Hold, ang primetime series ng GMA 7 na may world premiere sa Sept. 27 sa direction ni Don Michael Perez. Tinanong ang main cast na sina Carla Abellana, Rocco Nacino, at Max Collins kung kaya ba nilang magpatawad sa partner nila sakaling magloko?

Ang babait ng tatlo dahil kaya nilang magpatawad sakaling nag-cheat ang kanilang partner. Although si Carla, sa time ng mediacon, hindi pa siya siya sure kung magpapatawad siya.

“Hindi pa ako sure kung kaya kong magpatawad, parte ‘yon ng buhay. Pero, hindi excuse ‘yun na abusuhin ng partner mo at ulitin. Para mabuo ka, para mabuo ang buhay mo, magpatawad ka.”

Nabanggit naman ni direk Don na walang kontrabida at walang bida sa To Have and To Hold at kapag pinanood ang teleserye, parang hindi ka sa big screen nanonood dahil parang real life is unfolding infront of the viewers.

Makaka-relate ang vie­wers at parang part kayo ng married couple.

Angel sinugod, respeto ang hiningi

Controversial na naman nito si Angel Locsin dahil sa post nito tungkol sa Martial Law at tiyak, may taga-gobyerno na naman na magre-react. Pinost kasi ni Angel ang clippings ng photos sa Martial Law at may nakasulat na “FM Declares Martial Law.” Ang hashtag ni Angel ay “#NeverAgain #NeverForget #MarcosNotAHero.”

Naging daan ang post ni Angel para sugurin ang Instagram niya ng anti-government, supporter ni Bongbong Marcos, anti-Leni Robredo. Sa mga kumontra sa post niya, iisa lang ang sagot ni Angel na #respect.

May mga nag-comment naman na ‘wag nang makialam si Angel at ‘wag nang magmarunong, pero kilala si Angel sa pagiging palaban, kaya hindi mangyayari na siya ay manahimik.

Nakakatuwa pala ang post ni Angel sa kanyang alagang chicken dahil malalaki na. Curious lang kami kung ano ang gagawin niya kapag malalaki na ang mga alagang manok.

Magkakatotoo kaya ang nabanggit ni Neil Arce na isa sa mga manok ay para fried chicken, isa pang chicken inasal at isa ay para sa tinolang manok.

Andrea, natitirang single sa kanilang pamilya

Bigay pala ni Andrea Torres ang yacht cruise bridal shower niya sa sister niyang si Angeli Loise na malapit nang ikasal. Katulong ni Andrea sa paghahanda sa bridal shower for her sister si Charisse Tinio. Ang ganda ng setup ng yate at limitado ang invited, kaya walang nalabag na safety protocols sina Andrea.

Heartwarming ang caption ni Andrea sa photo ng kapatid na “Preparing myself to see you in your actual veil and actual bouquet. We love you so much Sissy!”

Tama ba kami na si Andrea na lang ang single sa kanilang magkakapatid? Kaya ‘pag siya’y ikinasal, malaking okasyon sigurado at paghahandaan ng kanyang pamilya.

Anyway, sa Legal Wives, may asawa at buntis ang character ni Andrea na si Diane. At least, nakapagpraktis na siya kapag ikinasal na siya ng totohanan at nagbuntis.

vuukle comment

MARIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with