^

Pang Movies

Erich, ilalantad ang sikreto ni Agot!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtago ka na! Babangungutin na yata sa takot si Vanessa (Agot Isidro) dahil sa pagbabanta ni Lena (Erich Gonzales) na isu-spluk nito ang tinatago nilang relasyon ni Conrad (Christian Vasquez) sa La Vida Lena, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nadiskubre rin ni Lena ang katotohanang si Conrad ang tunay na ama ni Adrian (JC De Vera) at hindi ang asawa ni Vanessa na si Lucas (Raymond Bagatsing) pagkatapos niyang kumuha ng impormasyon tungkol sa mga ito sa pamamagitan ng hacking.

Lagot si Vanessa kapag nalaman ni Lucas ang mga sikreto niya lalo pa’t malapit nilang kaibigan si Conrad na lagi nilang naaasahan sa tuwing may problema ang kanilang pamilya.

Hindi lang pagsasama nina Lucas at Vanessa ang nakatakdang sirain ni Lena dahil maging si Miguel (Kit Thompson) ay gusto niyang ahasin mula kay Rachel (Sofia Andres). Nagsimula na ang panloloko ni Lena kay Rachel at patuloy itong papaniwalain na mayroong namamagitan sa kanila ng mister niya.

Bago pa nito, matagumpay na naloko ni Lena si Adrian na dinadala nito ang kanilang anak. Anong mga pakulo pa ang gagawin ni Lena para masindak at mapabagsak ang mga kaaway niya?

Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa La Vida Lena gabi-gabi, 10 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with