^

Pang Movies

Alice, may pasilip sa hitsura ng asawa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alice, may pasilip sa hitsura ng asawa

Tingi-tingi ang paglalantad ng aktres na si Alice Dixson sa hitsura ng non-showbiz partner niyang owner / chef sa isang boutique hotel sa Boracay.

May cover na ‘heart emoji and papa’ ang half face nito pero sa caption niya ay nakalagay ang ‘forever’ habang nasa Boracay sila.

Ganundin ang style ng actress sa kanilang baby. Installment. May paa, kamay, side view, etc., basta walang buong hitsura.

Hmm. Unless siguro with talent fee sa isang endorsement, ipapakita rin ng actress ang kabuuan ng partner at anak nila sa social media.

Sen. Bong, may blowout

May birthday blowout si Sen. Bong Revilla sa kanyang followers sa Facebook page. Yup, balik-‘game show’ ni Sen. Bong para mamigay ng papremyo.

Bago nag-pandemic, nagiging reunion ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa showbiz ang birthday celebration ng aktor-pulitiko.

Pero tulad last year, may Kap’s Agimat Birthday Giveaway siya sa kanyang mismong birthday sa Sabado, Setyembre 25 at Linggo, Setyembre 26.

Santambak daw uling gadgets (laptop, cellphone at iPad) ang mapapanalunan at bonggang Kabuhayan package at cash prizes.

Anyway, kumusta na ang kaya ang book 2 ng Agimat ng Agila?

May clamor na ituloy ang kuwento nito dahil nabitin talaga ang mga nanood. Diumano, ang plano si Andrea Torres na ang magiging leading lady niya rito. Ito kaya ang rason, si Rabiya Mateo na ang ibibigay kay John Lloyd Cruz?

Anyway, happy birthday Sen. Bong.

Mikee, nagpa-listening party

Hindi na makahintay ang fans ng Kapuso star na si Mikee Quintos sa kaniyang unang single entitled Just Enough sa bagong sub-label na GMA Playlist na lalabas ngayong Friday, Sept. 24.

Kagabi ay nagkaroon si Mikee ng exclusive listening party kasama ang ilang fans at talaga namang lalo silang na-excite sa latest single ng aktres! Si Mikee ang kauna-unahang maglalabas ng awitin mula sa GMA Playlist.

Sa kanyang countdown post sa Instagram, obvious na siya mismo ay looking forward na mapakinggan na ito ng lahat, “Too excited to vibe with you all!! #MikeeJustEnough.”

Available na for streaming ang Just Enough simula ngayong Biyernes, Sept. 24, sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide!

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with