^

Pang Movies

Jomari at Paolo, binura sa buhay ng kanilang anak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jomari at Paolo, binura sa buhay ng kanilang anak!

Nakakaloka ang netizens, kinansel daw si Jomari Yllana ng anak na si Fangio dahil sa video ng bagets na nasa Instagram account ng mom nitong si Joy Reyes, sinabi nitong “Mama and kuya (Ayrton), they are my family” at sinundan pa ng hand gesture na ang cute tingnan.

Ayun, sabi ng netizens, kinansel si Jomari ng sariling anak and actually, nakakalungkot ang sinabi ng bata dahil ang mom at kuya na lang niya ang kinu-consider niyang pamilya.

Ganu’n din ang reaction ng netizens nang makita sa IG Stories naman ni LJ Reyes na kasabay niyang nagwu-workout ang anak nila ni Paolo Contis na si Summer. Ang isa pang post ni LJ, nasa harap ng lababo si Summer at nag-teamwork daw sila ni Aki sa paghuhugas ng kung anuman ang dapat hugasan. Comment ng netizens, “ouch kay Paolo, hindi ka na kasama sa mundo nina LJ, Summer at Aki.”

LGBTQI, galit pa rin kay Sen. Manny Pacquiao!

Ang post ni director Manny Castañeda na “I will not vote for a bigot like Manny Pacquiao” ang bumungad sa followers ni direk Manny sa Facebook. Hindi pa nakakalimutan ni direk Manny at ng marami pang iba ang pahayag ni Sen. Manny Pacquiao sa members ng LGBT.

Sa mga nabasa naming comments sa FB page ni direk Manny, marami sa kanila ang hindi rin iboboto si Pacquiao at may mga babae na nagko-comment, hindi lang LGBT. May nag-comment pa na hihintayin nila ang biglang pagbait ni Pacquiao sa LGBT.

Kaya sa kampanya, kailangan ni Pacquiao at ng Team Pacquaio ng triple effort to convince the LGBT community na iboto siya. Kahit sabihin sa LGBT community na basahin ang IG post ni Jinkee Pacquiao sa pagtakbong presidente ng kanyang asawa, mahihirapan pa rin silang kumbinsihin ang LGBT community to vote for Manny P.

Rabiya, pinag-iinteresan ang katawan ni Alden

Ang sabi, hihintayin ni Rabiya Mateo na makoronahan ang papalit sa kanyang Miss Universe Philippines bago siya pumirma ng kontrata sa GMA Network. Dahil hindi matutuloy sa Sept. 25, ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2021, mauurong din ang pagpirma ng kontrata ni Rabiya sa network.

Sa nabasa naming sche­dule ng Miss Universe Phi­lippines, wala silang schedule sa Sept. 25. Ang Sept. 24 ay preliminary interviews at ang Sept. 26, ay preliminary swimsuit and evening gown competition. To be announced pa ang coronation night na baka sa October pa ma-schedule.

Anyway, nabalitang si Rabiya raw ang makakasama ni John Lloyd Cruz sa gagawing sitcom ng aktor sa Kapuso network. Sa guesting ni Rabiya sa The Boobay and Tekla Show, nang tanungin nina Boobay at Tekla kung sino sa mga Kapuso actor ang gusto niyang makatrabaho, “Alden Richards” ang naging sagot ni Rabiya.

Ang isa sa inirason ni Rabiya kung bakit si Alden ang gusto niyang makatrabaho ay dahil maganda raw ang katawan. Nagbiro pa itong obvious na tiningnan niya ang katawan ni Alden.

Obvious din na ini-stalk ni Rabiya ang Instagram ni Alden kung saan, pino-post nito ang mga larawan niyang nagwu-workout at kita ang mga muscle at abs. Puwedeng i-ship sina Alden at Rabiya kapag nagkasama sa trabaho dahil pareho silang single.

vuukle comment

JOMARI YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with