^

Pang Movies

Top-rated show maker, magiging Kapuso, paglipat ni Lovi walang nag-nega!

Gorgy Rula - Pang-masa
Top-rated show maker, magiging Kapuso, paglipat ni Lovi walang nag-nega!
Lovi

MANILA, Philippines — Bongga at talagang lalong naging big star ang dating ni Lovi Poe sa pag-welcome sa kanya ng Kapamilya channel.

Pinuri naman siya ng netizens, dahil sa pag-acknowledge niya sa lahat na nagawa ng GMA 7 sa kanya.

Walang nag-bitter bitteran, kagaya ng paglipat noon ni Bea Alonzo sa GMA 7.

Sabi nga ng ilang supporters ng Kapuso network, ang dali lang kasing mag-move on ng mga taga-Kapuso at kaagad tinanggap ang pag-alis ng talents nila, dahil marami pa silang gustong bigyan ng magandang break, at may mga naglilipatan pa.

Napapag-usapan na ngayon ang gagawing sitcom ni John Lloyd Cruz, pero wala pa munang sinasabi at kinukumpirma ang mga taga-Crown Ar­tist Management na siyang nagha-handle sa showbiz career ni Lloydie.

Bukod kina John Lloyd, meron ngayong lumalabas na kuwentong may isang mala­king personality ang malapit nang pumirma ng kontrata sa GMA 7.

Top-rated shows daw ang mga nagawa nito na talagang magaling.

May mga lumalabas na nga sa TikTok ang nagpu-post na “A top-rated show maker is expected to enter,” at merong logo ng GMA 7.

Wala kaming ideya kung sino ito. Pero malaki raw ang magagawa nito para lalong pagandahin ang shows ng GMA 7.

Malapit na raw siyang ipakilala, kaya abangan na lang natin!

Kit, gusto ring sundan sina Andi at Nadine

Marami na ngang celebrities ang sobrang at home na at home na sa Siargao.

Bukod kay Andi Eigenmann na tagaroon na siya, nandun na rin madalas si Nadine Lustre, at simple lang na namamalengke roon.

Ang isa sa sobrang nag-enjoy at pinag-iisipang doon na manirahan ay ang hunk actor na si Kit Thompson.

Tatlong linggo raw siyang nanirahan doon at sobrang na-enjoy raw niya at parang gusto na raw niyang bumili ng property sa naturang isla. “Gusto ko na nga tumira dun. Parang dun na ako bibili ng lupa, dun na ako titira,” pakli ng guwapong aktor sa nakaraang story conference ng bago niyang pelikulang Moonlight Butterfly ng 3:16 Media Network.

“Sa Manila kasi, crowded, congested, ang lifestyle…doon ang simple lang ng buhay. Doon ang tuna, ang laki 200. Saan ka makakabili ng ganun dito?” sabi pa niya.

Naloka nga ang mga kabadingan nang mag-post ito sa kanyang Instagram account na hubo’t hubad at isang buko lang ang nakatakip sa harapan niya.

“Sa Manila, hindi mangyayari ‘yun, sa Siargao lang mangyayari,” napapangiti niyang pahayag.

Isa rin ito sa napagtanto ni Kit ngayong pandemya na mas mabuti na raw ang simpleng buhay.

Thankful naman siya dahil kahit paano ay tuluy-tuloy pa ang trabaho niya,

Bago nagka-pandemic ay nabuo niya ang pelikulang Runaway na bale laun­ching movie ni Maureen Wroblewitz.

May nagawa pa siya para sa Vivamax at ngayon ay sisimulan na niya ang isang pang obra ni direk Joel Lamangan, ang Moonlight Butterfly kasama si Albie Casiño at ang baguhang si Christine Bermas.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with