^

Pang Movies

Jasmine, na-bash nang akusahang ninakaw ng rider ang kanyang order!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jasmine, na-bash nang akusahang ninakaw ng rider ang kanyang order!
Jasmine

Kinol-out ng netizens si Jasmine Curtis-Smith dahil pinost ang litrato ng Grab driver at inakusahan pang ninakaw ang in-order niyang food nang hindi dumating sa oras na dapat i-deliver sa kanya.

Kahit blurred ang photo ng Grab driver, hindi pa rin daw maganda ang ginawa ni Jasmine lalo’t marami ang nakabasa sa tweet niyang “Hey @grabfoodph, your rider stole my order. He won’t answer texts or calls.”

Comment ng netizens, “Shame on these people who act all high and might but upon some slight inconvenience, uses their clout to publicly shame people” at “@jascurtissmith did you just simply took down your post when your “stolen” food arrived? No public apology, for public shaming him just because you can?”

May nagpayo kay Jasmine na dapat ni-report na lang niya sa Grab dahil baka nag-crash ang app o baka hindi mahanap ang kanyang location. Kawawa naman daw ang rider na pinahiya niya at sana, hindi na lang niya pinost.

Sagot ni Jasmine, “Hi, I’ve taken it down and I did simultaneously report it in the app, and via twitter. The Grab team has processed my refund. Wala po sa halaga ang concern. Thank you for your advice and will take this on board next time.”

Si Jasmine pala at ang cast ng The World Between Us ay balik lock-in taping na, fourth cycle na ng lock-in taping at kahit kahapon na Sunday, tuloy ang taping. Kaya sigurado na ang pagbabalik ng primetime series ng GMA 7 sa Nov. 15.

Erwin, pinagpaliwanag si Bongbong

Ipanawagan din kaya ng netizens na ipa-cancel si Erwin Tulfo dahil guest niya sa programa niyang Tutok Erwin Tulfo si Bongbong Marcos.

Sabagay, hindi naman tungkol sa pamilya ni Bongbong ang naging usapan nila ni Erwin, kundi tungkol sa reaction ng netizens sa interview ni Toni Gonzaga kay Bongbong sa vlog nitong Toni Talks.

Naniniwala si Bongbong na dahil papasok na ang bansa sa eleksyon at mainit na ang kampanya, kaya nagalit ang mga tao kay Toni.

“Nagulat ako, bakit naman inatake si Toni? Ginagawa niya lang ang trabaho niya as a vlogger. Lahat naman ini-interview niya, wala naman siyang pinipili. Kung tingnan mo ang ini-interview niya, iba-iba. Kung nagagalit kayo sa akin, okay lang, pero wala namang kasalanan si Toni.”

May pahayag pa si Bongbong sa pamba-bash kay Toni na naging dahilan para tawagin ito ng kung anu-ano at ang hindi maganda, pati ang pamilya nito, isinasama sa galit.

Angel, nangakong magiging aktibo sa kampanya!

Nababalita palang tatakbong senador si Angel Locsin sa 2022 elections, sa vlog ni Ogie Diaz, sinagot ni Angel ang tanong. Ang sagot nito, “Mag-aalaga tayo ng senador na karapat-dapat. Hindi ako.”

Dagdag pa ni Angel, magi­ging active siya sa darating na eleksyon para ikampanya ang mga mga kandidatong pinaniniwalaan niya.

Hindi muna binanggit ni Angel kung sino ang mga ikakampanya niya at iilan pa lang naman ang nag-announce na tatakbo sila.

Samantala, streaming sa Netflix ang The Gene­ral’s Daughter na pinagbidahan ni Angel sa ABS-CBN at masaya ang actress dahil mapapanood na raw niya nang buo ang ginawa niyang series.

Rocco at Melissa, apat na taon na

Sinelebrayt kahapon nina Rocco Nacino at asawang si Melissa Gohing-Nacino ang anniversary as a couple. Nag-post si Rocco ng larawan nila ng asawa na magkayakap at kiniss pa ng aktor sa noo si misis.

“Thank you for being you, @gohingmelissa. 4 years together at mag-asawa na tayo, pero nagccelebrate pa rin ng anniversary bilang bf gf. Sana ganito tayo palagi. Mahal kita. I am sorry for all my shortcomings, but do know that everyday I will be the best version of myself for you.

“Will always be that clown who makes (or tries to) you laugh everday,” message ito ni Rocco sa asawa.

Malapit na palang mapanood uli si Rocco sa primetime ng GMA 7 dahil sa Sept. 27 na ang world premiere ng To Have and To Hold nila nina Max Collins at Carla Abellana.

vuukle comment

JASMINE CURTIS-SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with