^

Pang Movies

Coco at Julia, matagal nag-lock-in na magkasama!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Coco at Julia, matagal nag-lock-in na magkasama!
Julia

Bongga nina Coco Martin and Julia Montes. Ang tagal nilang nag-lock-in at nag-quarantine sa Ang Probinsyano habang nagti-taping sa Ilocos.

Kasama pala kasi ang tropa ni Coco sa na-extend ang quarantine at naghihintay ng result ng reswabbing. Pero ang ibang unit daw na nasa dalawang hotel, nagti-taping na pero hanggang sa Baluarte lang at hindi pa sila maka-taping sa Vigan, Ilocos dahil wala pa rin permit na galing sa LGU.

More than two weeks nang naka-quarantine ang buong cast ng Ang Probinsyano dahil nga may staff diumano na nag-positive ayon sa aking source pero iba raw ay nakatapos na at all-negative na raw sa reswabbing pero ‘yun nga, ‘yung unit daw ni Coco ang kasama sa mga natirang naka-quarantine. Wala pang update ang source ko dahil kahapon supposedly lalabas ang result ng reswabbing nila Coco at Julia.

Nadine, laging nakabikini

“Work uniform,” caption ni Nadine Lustre habang naka-two piece bikini.

May bubuksan nga raw business si Nadine sa Siargao. Kumuha na raw ito ng business permit at nakikitang busy ito habang nasa nasabing isla kasama ang rumored boyfriend nito ngayong si Christophe Bariou na isang French guy.

Sa post ng kanyang fan account, nagpa-register na raw ito sa DTI Negosyo Center-Dapa.

COVID-free pala sa Siargao kaya siguro gusto rin ng ex ni James Reid na doon na maglagi.

Balitang nagpa-register din ito doon para makaboto sa May.

Unlike here in Manila na kinatatakutang mas tataas pa ang magkakahawahan dahil kahapon dagsa ang mga tao sa mall.

As in grabe raw, umaga pa lang nakaabang na ang maraming matagal natengga at hindi nakapamasyal.

Anyway, kung sa Siargao na titira si Nadine, sa­yang naman ang unit niya sa Rockwell.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with