^

Pang Movies

Karen, sinagot ang alok na bayad ng pulitiko!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Karen, sinagot ang alok na bayad ng pulitiko!

Sinagot ni Karen Davila ang tanong ng isang netizen kung magkano ang charge niya sa mga pulitikong igini-guest niya sa kanyang bagong gawa na vlog?

“I have been in the news for 28 years. I have never been paid or accepted money to interview a politician in any of my programs - be it today on my youtube channel. No, I do not get paid to feature or interview politicians. Thank you.”

Matatandaang sa interview kay Karen ni Ogie Diaz  sa vlog nito, nabanggit ni Karen na may mga pulitikong nagtangka na siya’y bayaran para lang kanyang ma-interview at ‘name the price’ pa ang offer. Hindi nagpatinag si Karen at hindi binago ang prinsipyo. Hindi na rin nito binanggit kung sino ang politician na handang magbayad sa kanya.

In the news ngayon ang mga personalidad gaya ni Karen at Toni Gonzaga dahil sa interview kay Bongbong Marcos.

Owe... ni Lovi sa GMA, ipapalabas sa Netflix

Mage-stream pala sa Netflix ang Owe My Love, ang last show ni Lovi Poe sa GMA -7 bago siya lumipat sa ABS-CBN.

Ang Owe My Love rin ang last show ni Mahal bago ito pumanaw at kung nasubaybayan n’yo ang series, siguradong isa kayo sa natawa kay Mahal.

And speaking of Mahal, binisita na rin ng close friend niyang si Mygz Molino ang kanyang puntod.

Sa nakita naming larawan, kita ang lungkot ni Mygz habang tinitingnan ang puntod ni Mahal.

Nadine, sa Siargao na titira

Napapansin na parang mas active ngayon ang mga taga-showbiz sa pagpaparehistro para sa 2022 national elections. Parang mas maraming artista’t singers ang boboto sa darating na halalan.

Isa sa tiyak na boboto ay si Nadine Lustre, kaya lang, hindi sa Quezon City at hindi rin sa Makati City siya boboto dahil nag-transfer siya ng voter’s registration sa Siargao. May mga larawang makikita si Nadine sa Comelec office ng General Luna sa Siargao at nagpaparehistro.

Kita sa mga larawan na katabi niya ang rumoured BF na si Christophe Bariou na malaki ang kinalaman kung bakit nag-transfer ng voter’s registration si Nadine.

Sa General Luna sa Siargao based si Christophe at gusto siguro nilang magkasama at magkasabay silang boboto.

Saka, kung mas madalas sa Siargao si Nadine kesa sa Manila, tama ang desisyon niyang sa Siargao na bumoto.

Sabi naman ng bashers ng aktres, hindi ito ang first time na nag-transfer ng voter’s registration si Nadine.

Ginawa niya ito noong sila pa ni James Reid. Sa Quezon City siya nakarehistro, lumipat siya sa Makati City kung saan nakarehistro si James.

Carla, handa sa kasal nila ni Tom

Nasilip sa vlog ni Carla Abellana ang wedding invitation sa October 23, 2021 nila ni Tom Rodriguez. Mabilis lang ang camera, kaya hindi masyadong natutukan. Pati yata ang wedding vows ng engaged couple nakunan ng camera, pero mabilis lang at ang nabasa lang namin ay “I am in love.”

Natututukan na ni Carla ang wedding preparation dahil tapos na ang lock-in taping nila ng To Have and To Hold  at airing na nga sa September 27.

Si Tom ang nasa lock-in taping ngayon ng The World Between Us, the fourth and last cycle ng lock-in taping na siguro naman, tatapusin ni director Dominic Zapata ang mga eksena ni Tom to give him time to prepare for his wedding.

vuukle comment

KAREN DAVILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with