^

Pang Movies

Pinaglaban ang ginawa...

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hanga ako kay Toni Gonzaga ha. Nanindigan siya sa ginawa niyang interview kay Sen. Bongbong Marcos. Marami ang bashers na nakialam sa ginawang interview ni Toni kay Bongbong na hindi naman pinag-usapan ang pulitika sa interview kundi ang buhay pamilya at kabataan nito.

Sana naman maisip natin na kung anuman ang naging nakaraan ng mga magulang nila, bigyan natin ng pagkakataon ang mga anak. Kung may kasalanang nagawa ang magulang, sana naman ibukod natin sa paghusga sa mga anak.

Ano ang puwedeng gawin ng isang anak lalo pa at mga bata pa sila sa gustong gawin ng mga magulang nila? Hayaan nating mahusgahan sila sa sarili nilang performance ng away from the shadow of their parents. Huwag tayong sarado ang puso at utak.

Bigyan natin ng fair chance ang susunod na generation na ibigay naman ang puwede nilang gawin.

Bow ako kay Toni, nanindigan siya sa kanyang action. Ipinaglaban niya ang kanyang paniniwala. Salute Toni Gonzaga.

Matteo at Sarah, piniling maging pribado ang relasyon

Imagine eight years na pala ang romantic relationship nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Iyon palang lagay na iyon na akala ng lahat nanliligaw pa lang si Matteo kay Sarah, mag-on na sila.

Sarap naman na naitago nila at hindi nalaman ng mga tao kaya siguro mas tumagal at walang naging problema ang dalawa. At least naitago nila nang walang nakaalam kaya naman shock ang marami nang batiin ni Matteo ng happy 8th si Sarah.

Ang hinihintay ng marami ngayon kung kelan ang good news ng coming little Matteo or Sarah. Ito na siguro ang pinaghahandaan ni Sarah kaya parang low profile siya sa ngayon.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with