^

Pang Movies

Jessy never nang magpapa-sexy sa pelikula at serye, gusto nang magka-baby!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Inamin ni Jessy Mendiola na ayaw na niyang gumawa ng love scenes or sexy scenes sa mga proyekto at hindi naman ito dahil binabawalan siya ng mister na si Luis Manzano.

Sa latest vlog ni Jessy ay sinagot nila ni Luis ang assumptions ng netizens sa kanilang relasyon at isa nga sa tanong ay kung mag-iiba na siya ng image at male-lessen na ang pagpapa-sexy since may asawa na siya.

Ayon sa aktres, hindi pa raw sila kasal ni Luis ay talagang nag-decide na siya ‘wag nang gumawa ng love scenes or kissing scenes. “Parang I feel uncomfortable na,” pag-amin ni Jessy.

‘Yung huling soap daw na ginawa niya sa ABS-CBN na Sandugo ay kinausap niya pa raw ang BUH (business unit head) na si Erick Salud tungkol sa bagay na ito. “Sabi ko sa kanya, ‘direk, I would rather go all out na kontrabida, ‘yung mang-aapi, ‘yung sobrang sama, ‘yung may ulterior motive, ‘yung laging ganu’n, but please, pass na ako sa kissing scenes, sa love scenes,’” kwento ni Jessy.

Paliwanag pa niya, “hindi naman sa nag-iinarte, but it’s more like, ‘di ba, parang nagawa ko na siya since I was 16. ‘Yung 16, hindi naman kissing scenes, love scenes, pero ‘yung nagpapa-sexy na. ‘Yung medyo nakaka-kamison, umaangat ang…”

Feeling daw niya ay hindi na bagay sa kanya ang daring scenes lalo pa nga’t gusto na niyang magkaroon ng anak. “I feel like it’s not appropriate para sa akin anymore. Parang I feel like syempre, I want to have a baby na.”

Pero paglilinaw ni Luis, hindi raw niya pinipigilan ang misis na inayunan naman ng aktres. “Oo, hindi niya ako pinipigilan. Sa lahat ng mga nagtatanong or nag-a-assume na si Luis ang nag-i-stop sa akin, no. It’s more of me, it’s a decision I made a few years ago,” ani Jessy.

Sa ngayon ay natutuwa naman si Jessy na medyo naiiba na rin ang path niya at nagiging content creator na nga siya. “Hindi ko akalain na magiging content creator ako, na marami akong magagawang vlogs, and I’m really, really enjoying. Kahit ‘yung mga brand, nagpapa-create na ng contents or materials sa akin and I’m really happy na medyo nag-iba na ‘yung landas ko,” saad ng aktres.

Ipinahayag din ni Jessy na gusto niya sana bago sila magka-baby ni Luis ay nakapag-start na siya ng sarili niyang business at ito raw ang inaasikaso niya ngayon.

Suportado naman ni Luis ang lahat ng gustong gawin ng asawa at kung saan daw ito masaya ay okay sa kanya.

AJ, gustong makatrabaho ang ama

Isa si AJ Raval sa busiest stars ngayong pandemic dahil sunud-sunod ang projects niya sa Viva. Imagine, pang-limang pelikula na niya itong Shoot! Shoot!: Di Ko Siya Titigilan kung saan ay si Andrew E. naman ang kanyang kapareha.

Napakalaki ng pasasalamat ni AJ sa Viva dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanya. Natanong nga siya sa mediacon kung ano ba ang meron sa kanya at paboritong-paborito siya ng produksyon at natatawa niyang sabi, “hindi ko nga rin po alam kung ano ang meron sa akin.”

But seriously, aniya, “siguro po, ‘yun pong bagay na binibigay ko po ang best ko sa lahat saka po ‘yung part na hindi ko po sinasayang ‘yung tiwala na binibigay sa akin ng Viva.”

Natutuwa naman ang dalaga na sa Shoot! Shoot! ay iba naman ang makikita sa kanya since comedy nga ang movie at hindi lang siya basta magpapa-sexy dito kundi maipakikita rin niya ang kanyang kakayahan sa pagpapatawa.

Pero ang talagang dream daw niya ay maging action star dahil gusto niyang makasama sa movie ang kanyang amang si Jeric Raval.

Samantala, ang Shoot! Shoot! ay matatandaang original song ni Andrew na naging na naging hit TikTok trend at ngayon nga ay ginawa nang pelikula ng Viva.

Mula sa direksyon ni Al Tantay, mapapanood ito sa Oct. 1, sa pinakabagong pay-per-view service ng Vivamax, ang Vivamax Plus.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with