^

Pang Movies

Kim, pinakita ang ‘home away from home!’

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nag-share si Kim Chiu sa kanyang mga subscriber ng YouTube channel ng favorite secret place niya kung saan siya pumupunta tuwing gusto niyang mag-isa at makapag-isip-isip.

Pinakita ni Kim ang kanyang newly-renovated condo unit niya na kung tawagin niya ay “home away from home.”

Pag-describe ni Kim sa kanyang sanctuary: “Sobrang liit lang ng lugar na ‘to kasi most of the time, ako lang talaga mag-isa rito. Dito ako nagmumuni-muni. Now ko lang talaga ‘to pina-renovate nang hardcore kasi parang napapadalas ‘yung pagtambay ko rito. So gusto ko namang maganda, maayos, malinis.”

Taong 2015 pa raw nabili ni Kim ang condo unit at siya raw ang nag-aayos at naglilinis nito. Kumpleto sa mga kailangan ni Kim ang kanyang condo kaya hindi nakakapagtaka na mas madalas siyang nakatambay dito. “Parang nagbabahay-bahayan lang ako. Ako lang talaga mag-isa rito. Ako naglilinis. As an independent girl ako rito. Wala si sissy Kam, though sometimes nandito siya. Wala ‘yung mga angels ko, so ako lang talaga kapag gusto ko ng self-love,” sey pa ni Kim.

Natuto na raw na maging homebody si Kim noong magkaroon ng pandemya. At naging wise raw siya sa pag-invest ng kanyang mga naipong pera mula sa TV shows, movies at endorsements.

“Ngayong quarantine kasi parang pina-realize sa atin na maganda pala sa bahay. Alis tayo nang alis, travel tayo nang travel, tira tayo nang tira ng ibang lugar, pero mas maganda palang mag-invest sa bagay na alam mong sa ‘yo.

“Kasi ito nakuha ko lang ‘to dahil may konti akong natabing ipon, and then naisip ko kung saan ko ‘yun gagastusin. May nakapagsabi sa akin na best investment talaga ng money mo is really to buy a property. So kahit maliit lang siya, tutubo rin naman ‘yun.

“Kaysa bumili ng mga car na magde-depreciate din ng konti, might as well buy something for yourself that one day you’ll be really proud of. Proud naman ako dito sa aking small space.”

Sofia, napupuri sa paglangoy

Tama raw ang pagpili kay Sofia Pablo para sa mermaid role sa bagong episode ng Regal Studio Presents na Raya Sirena.

Gaganap si Sofia bilang spoiled brat na sinum­pang maging isang sirena.
Ayon kay Regal Entertainment COO and Vice President Roselle Monteverde perfect daw si Sofia sa mermaid episode dahil napanood niya ang isang video nito sa TikTok na lumalangoy na parang sirena. “Na-inspire ako lalo when I saw Sofia’s video. She did those swimming as a mermaid. Tuwang tuwa ako doon,” sey ni Ms. Roselle.

Bumilib din ang episode director na si Easy Ferrer sa husay na lumangoy ng Kapuso teen star mapa-swimming pool at sa dagat.
“May dagat din kasi. May pool tapos may dagat. Nakita ko naman si Sofia na napakagaling mag-maneuver sa ilalim ng dagat. Confident na ‘ko doon,” sey ni Direk Easy.

Makakasama ni Sofia sa Raya Sirena sina Allen Ansay at Bruce Roeland.

Hollywood actress Jane Powell, namatay sa edad na 92

Pumanaw na ang isa sa top actresses ng 1940’s Hollywood na si Jane Powell sa edad na 92.

Pumanaw ang aktres sa kanyang tahanan sa Wilton, Connecticut.

Si Jane ang isa sa last surviving stars from the Golden Age of Hollywood. Mga nakasabayan niya ay sina Elizabeth Taylor, Natalie Wood, Lauren Bacall, Lana Turner, Cyd Charisse, Vivien Leigh, Ava Gardner, Katharine Hepburn, Hedy Lamarr, Veronica Lake, Ginger Rogers, Rita Hayworth, Judy Garland, Ingrid Bergman, Betty Garble, Barbara Stanwyck, Greer Garson at Lucille Ball,

Naging paboritong leading lady si Jane nila Fred Astaire at W.C. Fields. Ilan sa mga nagawang pelikula ng aktres sa ilalim ng MGM ay Song of the Open Road, A Date with Judy, Royal Wedding, Small Town Girl, The Female Animal, Enchanted Island at Seven Brides for Seven Brothers. Huling pelikulang ginawa niya ay Picture This in 1999.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with