^

Pang Movies

Matteo, nilantad na 8 years na ang relasyon nila ni Sarah

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

May paandar kahapon si Matteo Guidicelli sa Twitter. Eight years na pala sila together ng asawang si Sarah Geronimo na tila ngayon lang niya ni-reveal.

“8 years strong,” ang tweet ni Matteo with matching red heart emoji.

Of course, ang eight years na sinasabi ng aktor ay ang relasyon nila not as husband and wife kundi ‘yung time na nagsimula ang kanilang boyfriend-girlfriend stage.

Iba pa ‘yung wedding anniversary nila na Pebrero naman.

Nag-reply naman si Sarah G sa kanyang mister ng simpleng “happy anniversary.”

In the past ay hindi sila nagbabatian ng kanilang anibersaryo at hindi nga sila masyadong nag-o-open up sa kanilang relasyon although alam ng kanilang fans ang kanilang anniversary date at sila na lang ang bumabati sa couple.

Kaya naman sobrang kilig ang AshMatt fans sa post ni Matteo kahapon. Syempre pa, dumagsa rin ang pagbati sa mag-asawa ng kanilang supporters.

“Owemji, confirmed sept 16!! happy anniversary Ashmatt!!,” pagbati ng isang fan.

“Taraaay!! May pa-anniversary reveal na si Hubby! Happy Anniversary you two!” sey naman ng isa pa.

Matatandaang ikinasal sina Matteo at Sarah last year, Feb. 20, via a secret civil ceremony.

Ellen, nagtaray nang hanapin ang anak ni Derek sa kanilang pamanhikan

Tapos na nga ang “pamanhikan” ni Derek Ramsay sa pamilya ni Ellen Adarna na ginanap sa Siargao kung saan ay nagsama-sama ang dalawang pamilya at pormal na ngang hiningi ng aktor ang kamay ng fiancee sa magulang nito.

Makikita sa mga Instagram posts nina Ellen at Derek ang mga kaganapan sa pamanhikan at kitang-kita na talagang nag-enjoy sila. Syempre, kasama rin nila ang anak ng aktres kay John Lloyd Cruz na si Elias.

Sa post ni Derek kahapon ay nagpasalamat ang aktor sa masayang bonding na naganap sa kani-kanilang pamilya. “@maria.elena.adarna you have a beautiful family. Mamanhikan is such a beautiful Filipino tradition and I’m so happy we were able to get our families together before our big day,” post ni Derek.

Samantala, sinagot naman ni Ellen ang isang netizen na pumuna kung bakit wala ang anak ni Derek na si Austin sa nasabing pamanhikan. “If austin was here in the ph, he’d be with us. But he is in dubai right now FYI sa mga chismosa mema lang,” ang tila imbyernang paliwanag ni Ellen.

Sa ngayon ay hindi pa inaanunsyo nina Ellen at Derek ang wedding date nila pero mukhang malapit na malapit na ito. Sa mga larawang ipino-post nila, mararamdaman mo sa kanila ang happiness and excitement sa nalalapit na pag-iisang-dibdib.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with