^

PSN Opinyon

Mabuti at tumigil na ang pagngawa sa social media

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Naaawa ako at gusto kong makisimpatiya. Bilang magulang, natural na masaktan kapag nakikitang kinukulata ng publiko ang isa sa iyong mga supling.

Subalit kung ang pagpapahayag ng sama ng loob ay para humingi ng simpatiya, makukuwestiyon mo ang sinseridad ng bawat mensahe. Asahan mo, ang isang taong galit at emosyonal ay kung anu-ano ang pinagsasabi. Dahil hurt hurt hurt ang pinapairal, hindi na rational mag-isip at nagiging makasarili pa.

I can sympathize with you but then again learn the lesson. Nag-umpisa kayo sa social media, nanggulo’t naging sikat kayo sa social media kaso mo hindi lahat nakikisimpatiya at umaayon sa inyong pinaggagawa sa social media.

Tapos ang lagay eh, ‘nung hindi na umaayon sa inyo, at nasasaktan na kayo nananawagan na si ganire ang ilagay na Presidente para maging disente ang mga tao. Hindi ba disente ang mga tao?

How do you learn the lesson? Tumingin ka muna sa tahanan mo. Human decency starts from home then to the community, to the city and to the country.

Ginawa mo ba ang parte mo bilang isang magulang na pangaralan, suwayin, turuan, gabayan ang nagwawala mo ngayong anak? O dahil sa “tingin” mo ay tama ang kanyang ginagawa kahit salungat na sa katotohanan ay you just condoned it?

You want a movement of human decency? Begin with yourself. Eto ang mega advise ko bilang isang #AmaAko.

Mabuti naman at tumigil na rin ang dahilan ng lahat, ang mga pagmamarunong at pagngawa sa social media. Dahil ako, bilang anti-crime crusader at crime buster, hindi titigil ipaalam ang totoong mundong ginagalawan natin habang kahalubilo ang mga masasamang loob at pagbabahagi ng pag-iingat sa publiko.

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with