^

PSN Opinyon

Mga bgy. hall sa Maynila ay squatter

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAY pinipili ba ang show cause order na ipinalalabas ng Department of Interrior and Local Government? Ito ang malaking katanungan ngayon na dapat na ipaliwanag ni DILG secretary Eduardo Año at Usec. Martin Diño, kasi marami pa rin ang hindi natitinag sa kanilang kautusan kung kaya may ilang barangay chairman ang nagpuputok ang butse sa hindi parehas na pagtrato. Kasi nga naman kung kontra partido ka, tiyak na walis at pulbos ang iyong barangay hall at siguradong masisibak ka pa sa puwesto dahil nga sa mga paglabag sa kautusan. Marahil dapat na kumilos dito ang mga magigiting nating kongresista dahil ang pangunahing problema ngayon ng mga barangay chairman ay ang mga kinatatayuan ng kanilang barangay hall. Ang tanging pag-asa na lamang nila ay ang mga kongresista na mabigyan sila ng lehitimong lugar na pagtatayuan ng barangay hall. Kung inyong mapapansin, may ilang barangay hall ang ginigiba dahil sa pag­sakop sa mga bangketa. Tama naman ang ipinaiiral na paglilinis ng bangketa.

Pero alam n’yo ba na karamihan sa mga barangay hall sa Maynila ay squatter? Ito ang sabi sa akin ng ilang barangay chairman na aking nakausap. Dahil wala silang­ lugar na mapaglagyan ng barangay hall kaya nasasakop nila ang bangketa. Ayon pa sa aking nakausap, okey lang naman daw kung kapartido ng nakaupong mayor dahil hindi matitibag ang barangay hall na ginastusan ng mil­yong piso, subalit kapag kontra partido ka tiyak na wasak ang pinaghirapang itayo.

Sa kasalukuyan, tinitingala ng aking mga kausap ang mga malalaki at magagarang barangay hall sa Quezon City, Makati, Taguig, Las Piñas at Parañaque dahil malaki ang suportang ipinagkaloob sa kanila ng mga kongresista at mayor. Hindi basta-basta ito matitinag dahil legal ang kinatatayuan ng kanilang barangay hall. Subalit sa Maynila, may nakaligtaang ayusin ang mga kongresista na may 896 barangays at halos iilan lamang ang may maayos na lugar. Ayon sa aking kausap, ang dapat na kumilos dito ay ang mga kongresista dahil sila ang may power na magbigay ng pagtitirikang lugar para sa barangay hall. Hindi umano ito sakop ng kapangyarihan ni Mayor Isko kung kaya sa ngayon, kulelat sa lahat ang mga barangay hall sa Maynila.

Ayon pa sa aking kausap, maraming lupa at gusali sa Maynila na puwedeng ipagkaloob sa barangay, subalit karamihan sa mga ito ay puno na rin ng mga negosyanteng umuupa o sumasakop. Kaya napipilitan na lamang smagtayo ng mga barangay hall sa mga bangketa. May ilang barangay umano na ang IRA ay umaabot lamang sa P4 na milyon at diyan binabawas ang gastusin sa force multiflier, service vehicles, gasoline at iba pa, kaya wala na silang pera na panggastos sa pagbili ng lupang pagtitirikan ng barangay hall.

Secretary Año, alamin mo ang isyung ito bago mangharibas ng mga barangay hall. Kung may katotohanan, dapat ilapit mo ito sa House of Representative upang magawan ng agarang akyon ng di naman kahiya-hiya ang ating mga halal na opisyales ng barangay. Abangan!

vuukle comment

EDUARDO AñO

MARTIN DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with