^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang kapatawaran ang nagawang kasalanan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Walang kapatawaran ang nagawang kasalanan

BAGAMA’T tiniyak na ng Malacañang na hindi ma­kalalaya si convicted rapist-murderer Antonio Sanchez, hindi pa rin naman ganap na natatahimik ang kalooban ng Sarmenta at Gomez family at balak pa nilang magtungo sa Supreme Court para matiyak na hindi na nga makakalabas ng kulu­ngan ang dating Calauan mayor. Nagpasalamat na sila sa Presidente sa agaran nitong pagtutol na huwag palayain si Sanchez na ang hatol ay pitong habambuhay na pagkabilanggo.

Nakatutok ang lahat sa naunsiyaming paglaya ni Sanchez na magaganap sana noong Agosto 20. Handang-handa na umano ang pamilya ni Sanchez­ sa pagsundo sa dating mayor at kapag nakalaya na ito ay sama-sama silang kakain sa isang Japanese restaurant sa Makati. Talagang handa na umano ang dating mayor na lalaya sapagkat kasama ito sa mga nabigyan ng pagkakataon base sa ipinakitang magandang asal habang nasa loob. Na-fin­gerprint na rin umano ito.

Pero hindi natuloy ang paglaya sapagkat bumuhos na ang apoy ng pagtutol mula sa mamamayan. Nag-alimpuyo ang galit ng marami pati ang social media ay walang patid ang pagpapa­hatid ng simpatya. Hindi dapat palayain si Sanchez dahil sa nagawang karumal-dumal sa dalawang estudyante ng UPLB noong 1993. Hindi siya dapat makasama sa palalayain sapagkat hindi siya nagpakita ng kabutihan habang nakakulong. Katunayan, nahulihan  siya ng shabu at marijuana sa kan­yang selda noong 2006. Magarbo ang buhay sa loob sapagkat may sariling kubol.

Nagwagi ang sama-samang panawagan ng ma­mamayan at narinig ito ng Presidente. Hindi lalaya si Sanchez dahil sa bigat ng kasalanang ginawa nito. Nang kapanayamin si Sanchez, sinabi niyang wala siyang kasalanan at mamatay na ang dapat mamatay.

Walang kapatawaran ang nagawa niyang kasala­nan­. Tama ang mga nagsasabi na dapat siyang mabulok sa bilangguan. Hindi siya dapat kaawaan.

vuukle comment

ANTONIO SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with