^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sa illegal settlers galing ang basura

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sa illegal settlers galing ang basura

NAPAKARAMING basura sa Metro Manila. Lahat pawang plastic. Hindi nabubulok. Ang mga ito ang bumabara sa mga drainage at daluyan ng tubig kaya nagkakaroon ng baha. Karaniwang makikita ang mga basurang ito sa estero, kanal, sapa at ilog. Ang hantungan ng mga basurang plastic ay ang Manila Bay. Kapag masungit ang panahon, magwawala ang Manila Bay at isusuka nang malalaking alon ang mga basura. Tatangayin sa Roxas Boulevard. Ikakalat sa kahabaan ng kalsada ang plastic bottle, plastic shopping bags, sirang plastic na silya, styro, sandamukal na sache ng kape, shampoo, lotion at toothpaste, bulok na kutson, pinagbalatan ng buko, saging, bao ng niyog at marami pang basura na hindi nabubulok.

Noong nakaraang linggo na nanalasa ang habagat sa Metro Manila at Central Luzon, muling nagngalit ang alon sa Manila Bay at isinukang muli ang mga basura. Mas marami ang isinukang basura sa Roxas Boulevard ngayon kumpara sa mga nakaraan. Kaya grabeng trapik ang ibinunga dahil hindi lamang baha ang iniwasan ng mga motorista sa kahabaan nang nasabing kalsada kundi pati ang maraming basura.

Sa mga illegal settler na nasa estero at pampang nito nanggagaling ang mga basura. Walang ibang panggagalingan sapagkat sila lamang ang mga nakatira sa mismong estero. Sa estero na nagdede-retso ang kanilang dumi. Ang mga plastic na basura na kanilang ginamit, inihuhulog na lang sa tubig!

Wala namang kakayahan ang local government units (LGUs) na sawatain ang pagdami ng mga iskuwater. Walang mapaglipatan sa mga ito. At kung ma-relocate naman, ibebenta ang pinagkaloob na bahay at lupa at saka babalik sa dating tirahan sa estero. Maraming ganito kaya hindi malutas ang problema ng illegal settlers. Dahil sa pagdami nila, patuloy rin ang problema sa basura. Wala nang katapusan ang problema sa basura na dahilan kaya lumalala ang pagbaha.

Kung maayos na mapapaalis ang illegal settlers sa tabing ilog o estero, saka pa lamang malulutas ang problema sa basura. Kung hindi, habambuhay nang kahaharapin ang problemang ito. Magkaroon sana ng political will ang mga namumuno sa bayan at lungsod ukol sa illegal settlers.

vuukle comment

METRO MANILA FLOODING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with