^

PSN Opinyon

Si Inday at ang HNP

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

HINDI na maikakaila na lumalawak na ang influence ni presidential daughter and Mayor Sara Duterte-Carpio sa larangan ng pulitika lalo na sa pagbuo niya ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) regional political party na nagsimula noong Pebrero. 

Sa kasalukuyan, may tatlong major national parties at anim na local political groups na nakipag-alliance sa HNP.

At marami pa ngang ibang political parties na gustong sumanib sa pamamagitan ng alliance with HNP na kung tutuusin ay isa nga lang regional political party ayon sa Commission on Elections.

At noong Biyernes, sumanib na rin sa HNP ang may 7,000 miyembro ng Hugpong Sa Tawong Lungsod na pinangunahan ng kanyang ama na si President Duterte.

Ang Hugpong sa Tawong Lungsod ay talagang Davao City-based lang at ang HNP ay regional na sakop na rin ang  mga opisyales ng Davao Oriental, Davao del Norte, Compostela Valley at Davao Occidental, na lahat ay pawang nasa Southern Mindanao.

Ang siste, hindi na mabilang ang mga pulitikong gustong makipag-alliance sa HNP sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ba ay senyales na lumalakas na ang HNP at nagpahi­watig ng mga bagay-bagay sa darating na halalan sa 2022?

Ang ibig sabihin ba nito, si Inday na nga ang hinaharap ng bansa?

vuukle comment

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with