^

Pang Movies

Jed at Darren nag-date sa isang mall?!

MILLINER MUSINGS - Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Madalas kami sa Promenade Mall sa Greenhills, San Juan at paboritong puntahan ‘yon ng ilang showbiz personalities, kaya marami kaming nakakatsikahang mga artista’t singer doon.

Noong Thursday kung saan kasama naming nag-dinner sina Susan at Alyssa Teng (mother and ol­der sister, respectively, of basketball pla­yers Jeric and Jeron Teng), nakita naming magkasama ang ABS-CBN singers na sina Jed Madela at Darren Espanto.

Noong una, nakasalubong lang namin sila, pero nang nagdi-dinner na kami ng mga kasama ko, doon din sila nag-dinner sa restaurant kung nasaan kami at may kasama silang dalawang medyo may edad nang babae.

Mukhang si Jed ang mentor ni Darren dahil pareho silang magaling na singer!

Sa bakuran ng ABS-CBN, dalawa sina Jed at Darren sa talaga namang powerful ang boses sa pagkanta, huh!

GMA at manager ni Kylie, ayaw patulan ang pag-iingay ni Aljur

Tinawagan namin kahapon si Betchay Vidanes, co-manager ni Kylie Padilla para kunin ang kanyang side sa naging pahayag ni Aljur Abrenica na “nabastusan” ang fiancé ng kanilang talent dahil inunahan pa nila na mag-announce ang mga ito tungkol sa pagiging engaged nila.

“Dapat pa ba akong mag-react tungkol doon? Hindi na naman yata kailangan, eh. Huwag na lang,” pahayag ni Betchay.

Mukhang ayaw na ni Betchay na lumaki pa ang issue tungkol sa pahayag na ‘yon ni Aljur, kaya hindi na niya gusto pang magsalita ng tungkol doon.

Kung magsasalita pa nga naman kasi si Betchay ay baka magkaroon pa sila ng mas matinding bad blood sa tatay ng magiging anak ni Kylie, kaya marahil ay gusto na lang ng talent manager na manahimik pagdating sa issue na ‘yon!

Samantala, obvious namang ayaw patulan ng isang executive ng GMA-7 ang naging pahayag ni Aljur na nagagamit sa promotions ng Encantadia ang pagbubuntis ni Kylie!

Pinayuhan kasi ng mga taga-GMA-7 na huwag munang magsalita sina Aljur at Kylie kaugnay ng pagbubuntis ng huli dahil sa tuwing masusulat ang tungkol sa tsikang ito ay nadadamay palagi ang tungkol sa character nitong Amihan sa nasabing telefantasya.

Barbie tsika-tsika na sa dean ng eskwelahan

Marami ang masaya para kay Barbie Forteza dahil sa pamamayagpag ng Meant To Be ng Kapuso network sa ratings game.

Bagay kay Barbie ang kilig-serye na katulad ng Meant To Be, kaya naman sinusubaybayan ‘yon ng fans.

Obvious din na sobra ang suporta ng GMA-7 sa career ni Barbie dahil bidang-bida siya sa nasabing series at apat pa ang leading men niya!

Pero alam n’yo ba na kahit abala sa Meant To Be at Sunday PinaSaya si Barbie ay ayaw niyang pabayaan ang kanyang pag-aaral sa Perpetual school sa may Laguna?

Mismong si Barbie raw ang nakikipag-usap sa kanilang dean para maging maayos ang kanyang pagpasok sa nasabing eskuwelahan.

Pinapayagan si Barbie na mag-absent, pero may homework na ipinagagawa sa kanya.

Marami ring mga kaklaseng ka-close si Barbie dahil sa mga ‘yon siya nagtatanong ng tungkol sa lectures na nami-miss niya dahil sa pagiging abala sa kanyang showbiz career!

vuukle comment

DARREN ESPANTO

JED MADELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with