^

PSN Palaro

Sisi hahataw sa Choco Mucho

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magbabalik indoor volleyball si beach volleyball star Sisi Rondina.

Maglalaro si Rondina para sa Choco Mucho sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na papalo sa Hunyo 29.

Malaking tulong si Rondina sa kampanya ng Flying Titans dahil iba ang kalibre nito sa indoor volleyball.

Ito ang unang pagkakataon na masisilayan si Rondina sa indoor volleyball matapos humataw sa beach volleyball sa nakalipas na apat na taon.

Naging bahagi ito ng national beach volley team kung saan nakahirit ito ng tansong medalya noong 2019 edisyon ng Southeast Asian Games sa Maynila at noong 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Subalit bigo na makapasok sa podium ang tropa ni Rondina sa katatapos na 32nd SEA Games sa Phnom Penh, Cambodia.

Mainit namang tinanggap si Rondina ng kampo ng Choco Mucho.

“From sand to court, are you ready?” ayon sa post ng Choco Mucho sa kanilang social media.

Mas lalong magiging matinik ang Choco Mucho sa pagpasok ni Rondina.

Makakasama nito sa wing position sina Kat Tolentino at Des Cheng katuwang sina middle blockers Maddie Madayag at Bea De Leon, at playmaker Deana Wong.

Huling naglaro si Rondina sa indoor volleyball noong 2019 para sa Petron Blaze Spikers sa Philippine Superliga.

Sa kabilang banda, ang dating teammate nitong si Bernadeth Pons ay balik-indoor na rin.

Papalo si Pons sa Creamline Cool Smashers na reigning champion sa PVL Invitational Conference.

vuukle comment

SPORTS

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with