Altas, Scorpions agawan sa playoff spot
MANILA, Philippines — Paglalabanan ng Centro Escolar University at ng University of Perpetual Help System Dalta ang playoff berth sa pagpapatuloy ng 2023 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.
Magtutuos ang CEU at Perpetual ngayong alas-4 matapos ang salpukan ng AMA Online at Wangs-Basketball @27 Striker-Letran sa alas-2 ng hapon.
Nasa isang two-game winning streak, solo ng CEU ang third spot bitbit ang 2-1 record sa ilalim ng Marinero-San Beda (4-1) at EcoOil-La Salle (3-1) kasunod ang Perpetual (2-2).
“Marami pa kaming lapses so we have to continue getting better. We need games facing UAAP and NCAA teams,” sabi ni Scorpions’ coach Jeff Perlas. “Now, it’s Perpetual so it’s a welcome opportunity for us to step up anew. Pagbubutihan pa namin.”
Dalawang sunod na kamalasan naman ang sinapit ng Altas matapos buksan ang torneo sa 2-0 marka.
Ang top two teams matapos ang elimination ang mabibigyan ng outright spot sa finals.
- Latest