^

PSN Palaro

Bautista sumuntok ng ginto

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Bautista sumuntok ng ginto
Kumonekta si Pinoy pug Ian Clark Bautista ng matulis na right straight kay Asri Udin ng Indonesia.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Inilampaso ni Ian Clark Bautista si Indonesian Asri Udin sa bendisyon ng unanimous decision upang matagumpay na madepensahan ang kanyang korona sa men’s 57kg class kahapon sa 32nd Southeast Asian Games na ginanap sa Chroy Changvar Convention Center Hall G sa Phnom Penh, Cambodia.

Solido ang naging game plan ni Bautista na na­kasentro sa mga malala­kas na suntok sa tiyan ng kanyang karibal.

“Nung puro mukha po ako, parang hindi ko maabot kasi mahaba po (ang kalaban ko) kaya sabi ng mga coaches tiyan muna (ang targetin),”

Agad namang sinamantala ni Bautista ang magandang epekto ng naging estratehiya nito para tuluyan nang pulbusin ang kanyang karibal.

“Naramdaman ko na iniinda niya. Problema lang tumitigas din yung kamay ko kasi dalawang unang laban ko bakbakan din bago yung championship po,” ani Bautista.

Magandang regalo ito ni Bautista sa namayapang si dating ABAP president Ed Picson na halos kasabay nitong pumasok sa asosasyon.

“Regalo ko po ito kay Sir Ed Picson. Bago siya pumasok sa ABAP noong 2009, kakapasok ko lang din po (sa national team). Magkasama kami kaya malaki ang pasalamat ko sa kanya,” ani Bautista.

Nagkasya naman sa pilak na medalya sina Rogen Ladon, Tokyo Olympics veteran Irish Magno at Riza Pasuit sa kani-kanyang dibisyon.

Bigo si Ladon na madepensahan ang kanyang korona matapos yumuko kay Thanarat Saengphet ng Thailand via unanimous decision sa gold-medal match ng men’s 51kg division.

Talo rin si Magno kay Jutamas Jiptong ng Thailand sa women’s 52-54kg  class kung saan naitala ng Thai pug ang unanimous decision win.

Ganito rin ang naging resulta ni Pasuit na umani ng unanimous decision loss kay Thi Linh Ha ng Vietnam sa women’s 60-63kg class.

vuukle comment

BOXING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with