^

PSN Palaro

Isa na lang sa CSB, Perpetual

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Isa na lang sa CSB, Perpetual
Naiiwas ni Christy Ondangan ng Benilde ang kanyang tira sa depensa ni Jane Dahab ng Lyceum.

MANILA, Philippines — Isang panalo na lang ang kailangan ng College of Saint Benilde at University of Perpetual Help System DALTA para makumpleto ang sweep sa NCAA Season 98 volleyball championship series.

Dinomina ng St. Benilde Lady Blazers ang Lyceum Lady Pirates, 25-17, 25-19, 25-19, sa Game One ng women’s division  habang pinadapa ng Perpetual Altas ang San Beda Red Spikers, 25-20, 25-16, 25-22, sa men’s class kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Pumalo si Gayle Pascual ng 15 points mula sa 12 attacks at tatlong blocks para sa 1-0 lead ng Lady Blazers sa kanilang best-of-three titular showdown ng Lady Pirates.

Maaari nang walisin ng St. Benilde, nasa 28-game winning streak ngayon sapul noong 2020 season, ang Lyceum sa Game Two sa Biyernes para makopo ang ikalawang sunod na NCAA crown.

“Hindi pa tapos. Kaila­ngan pa naming manalo sa Game Two,” sabi ni Pascual sa Lady Blazers na nagposte ng walong blocks bukod sa 40 kills.

Pinamunuan ni Joan Doguna ang Lady Pirates sa kanyang siyam na puntos kasunod ang pitong marka ni Jaja Tulang.

Samantala, nagtala si MVP frontrunner Louie Ramirez ng game-high na 17 points at 13 excellent receptions para sa Altas at may 13 at 10 markers sina Jefferson Marapoc at Joshua Zareno, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang ika-32 dikit na panalo ng Perpetual sapul noong 2018 finals para sa tsansang makumpleto ang 2-0 sweep sa kanilang serye ng San Beda.

Makukuha rin ng Altas ang pambihirang ‘three-peat’ kung muling tatalunin ang Red Spikers sa Game Two sa Biyernes.

Nagposte si Ralph Cabalsa ng 16 markers mula sa 15 attacks at isang block para banderahan ang San Beda na tinalo rin ng Perpetual sa eliminations.

vuukle comment

SPORTS

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with