^

PSN Palaro

TNT pinutol ang ratsada ng Converge

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT pinutol ang ratsada ng Converge
Si TNT import Jalen Hudson laban kay Kevin Racal ng Converge.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tinapos ng TNT Tropang Giga ang apat na sunod na ratsada ng Converge matapos ikonekta ang 128-122 panalo sa 2023 PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpasabog si import Jalen Hudson ng game-high na 56 points tampok ang anim na three-point shots bukod sa 12 rebounds at 4 assists para sa 4-1 karta ng Tropang Giga.

“I’m just trying to be aggressive, that’s pretty much it. My teammates gave me enough confidence,” wika ni Hudson. “I know it’s a big game for us and for them as well.”

Namantsahan ang da­ting malinis na 4-0 record ng FibeXers na nakahugot kay import Jamaal Franklin ng 47 markers kasama ang siyam na triples.

Kaagad kumamada si Hudson ng 33 points sa first half para idikit ang TNT sa halftime, 64-65, hanggang agawin ang 109-104 abante sa 6:10 minuto ng fourth period mula sa 3-point play ni Varilla.

Lalo pang nabaon ang Converge sa 108-120 sa huling 2:28 minuto ng labanan matapos ang two-handed slam dunk ni Kelly Williams.

Sa ikalawang laro, isi­nalpak ni Jeremiah Gray ang krusyal na triple sa huling 17.8 segundo para tulungan ang nagdedepensang Barangay Ginebra sa 114-111 pagtakas sa NLEX.

Tumapos si Gray na may 19  points kasama ang limang tres  habang nagtala si import Justin Brownlee ng 44 markers, 16 boards at 6 assists para sa 2-0 baraha ng Gin Kings.

vuukle comment

TNT TROPANG GIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with