^

PSN Palaro

Converge target ang solong liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Converge target ang solong liderato
Maverick Ahanmisi
PBA Images

MANILA, Philippines — Pipilitin ng Converge na makawala sa isang three-way tie para masolo ang liderato ng 2023 PBA Governors’ Cup.

Target ang pang-li­mang sunod na panalo, lalabanan ng FiberXers ang TNT Tropang Giga ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang banatan ng NLEX Road Warriors at nagdedepensang Ginebra Gin Kings sa alas-5:45 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Magkakasosyo sa unahan ng team stan­dings ang Converge, NLEX at San Miguel sa kanilang magkakatulad na 4-0 record kasunod ang Ginebra (1-0), TNT (3-1), Meralco (3-1), Terrafirma (1-2), Blackwater (1-3), Phoenix (1-4), Magnolia (0-3), Rain or Shine (0-4) at NorthPort (0-4).

Umiskor ang FiberXers ng 112-98 panalo sa Elasto Painters noong Pebrero 2.

“Iyong mga ganyang performance ng mga pla­yers nakukuha nila iyan doon sa mga extra nila eh, not necessarily during the practice,” wika ni Converge coach Aldin Ayo.

Nagmula naman ang Tropang Giga sa 93-85 panalo sa Hotshots noong Biyernes para sa kanilang ikalawang dikit na ratsada.

Sa ikalawang laro, Ipaparada ng NLEX si import Wayne Selden bilang kapalit ni Jonathon Simmons sa kanilang pagsagupa kay Justin Brownlee at sa Ginebra. 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with