^

PSN Palaro

Lady Macbeth kampeon sa Uratex Women’s 3x3 International tilt

Pilipino Star Ngayon
Lady Macbeth kampeon sa Uratex Women�s 3x3 International tilt
Tinanghal na kampeon ang Lady Macbeth.

MANILA, Philippines — Kinumpleto ng Macbeth Apparel ang matikas na pagbalikwas mula sa kawalan matapos gapiin ang Philippine Army Altama, 21-11, nitong Linggo para maitala ang kasaysayan bilang unang kampeon sa 1st Uratex-Philippine Women’s 3x3 International Invitational sa Robinsons Magnolia sa Quezon City.

Pinatunayan ng bagong recruit sa National Team na si Kacey Dela Rosa, pumalit kay  Jack Animan na naging pro na sa France, na karapat-dapat siya sa naging desisyon ni coach Pat Aquino matapos ang naiskor na siyam na puntos tampok ang free throw na nagselyo sa panalo may 29 segundo pa sa 10 minutong paglalaro.

“I just try to play good defense, just lucky to make those shots. But we done it through a well game-plan by coach Pat (Aquino) and sheer teamwork. It’s a big shoe to fill as Jack (Animan) is the best player for Lady Macbeth,” ani ng 18-year-old Ateneo Development Studies freshman, na nahirang sa Mythical 3 kasama sina  Army’s Natalia Prado at Korean Dunarang Kim na wagi ng Most Valuable Player (MVP).

Ang beteranong internationalist na sina Janine Pontejos at Khate Castillo ay umiskor ng tig-anim na puntos, habang si Katrina Guytingco ang nagbigay ng defensive stance nang hilahin ng Lady Macbeth ang malapit na three-point lead sa 19-10 kalamangan bago ang winning free throw ni Dela Rosa mula sa foul ni Nathalia Pardo na nagselyo sa panalo para sa koponan na kumumpleto ng isang malaking pagbabalik pagkatapos ang malamyang kampanya sa elimasyon ng torneo na itinaguyod ng Uratex at Smart.

Gumawa ng pitong marka si Private  Prado, habang nagdagdag  ng dalawang puntos si Marlourd Borja, at tig-isa sina Chack Cabinbin at Camille Sambile para sa Army. Nanalo sila ng US$2,000.

Naitala ng Lady Macbeth, binubuo ng mga miyembro ng National Team na nanalo ng back-to-back na titulo sa Southeast Asian Game, ang impresibong panalo sa pre-quarterfinals knockout tungo sa tagumpay.

“Hindi namin inakala na magiging champion kami dahil hindi naging maganda ang preparasyon sa elimination. Pero we made it through sheer determination of the players, I’m very happy for this,” ani coach Pat Aquino.

Nakatanggap ang Lady Macbeth ng tropeo at ang premyo na US$3,000.

Napigilan ng Korean squade 1Eyehansol ang podium sweep ng Pilipinas matapos gapiin ang Discovery Perlas, 21-12, para sa bronze at US$1,000.

“We’re truly grateful and honor. We extend our heartfelt gratitude to all players, coaches, officials, technical people, staff, and sponsors for supporting and help us in this endeavor. Mahirap,pero nagawan natin ng paraan. Hopefully, mas malaking tournament ang magawa natin sa susunod,” pahayag ni Uratex Managing Director and head of the organizing committee Peachy Medina.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with