^

PSN Palaro

Embiid sinapawan si Jokic at ang Nuggets

Pilipino Star Ngayon
Embiid sinapawan si Jokic at ang Nuggets
Dinepensahan ni Nuggets star Nikola Jokic si 76ers ace Joel Embiid.
STAR/File

PHILADELPHIA — So­lidong opensa ang inilabas ni Joel Embiid para uma­ngat sa tagisan ng mga MVP candidates nang mag­buhos ito ng 47 puntos at pangunahan ang 76ers sa 126-119 tagumpay laban sa Denver Nuggets.

Nagposte rin si Embiid, tumapos na runner-up kay two-time NBA Most Va­lua-ble Player Nikola Jokic ng 18 rebounds para tulu­ngan ang 76ers na makaahon sa 15-point halftime deficit tungo sa kanilang ikapitong sunod na panalo na nagbigay sa 76ers ng 34-16 kartada.

 “He’s really talented,” ani Jokic kay Embiid.

Tumapos si Jokic ng 24 puntos, walong rebounds at siyam na assists para sa Nuggets, natalo ng tatlo sa huling apat na laro.

Nagdagdag si Jamal Murray ng 22 puntos.

Nagsimulang humataw si Embiid sa second half nang mahabol ng 76ers ang bentahe ng Nuggets.

Kumana ng step-back jumper si Embiid para itabla ang iskor sa 110-110 sa huling 5:48 minuto ng laro.

Iniskoran ni Embiid si  Murray, ng fast break para iangat ang 76ers na sinundan ng isang tres sa harapan ni Jokic na nagbigay sa Philadelphia ng 125-117 abante may 30.1 segundo na lang sa laro.

Sa Boston, umiskor  si Jaylen Brown ng 37 puntos, tampok ang three-point play may 4.1 segundo ang natitira sa regulasyon  para itakas ang NBA-leading Celtics (36-15) sa 125-121 panalo laban sa Los Angeles Lakers sa overtime.

Sa iba pang resulta, sinamantala ng Utah Jazz ang pagkawala ni Luka Doncic (sprained left ankle) para igupo ang Dallas Ma-vericks, 108-100 habang kinaldag ng Chicago Bulls ang Orlando Magic, 128-109.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with