^

PSN Palaro

3-dikit sa FiberXers

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
3-dikit sa FiberXers
Tumira sa harapan ni Calvin Abueva ng Magnolia si Converge import Jamaal Franklin.
PBA Image

MANILA, Philippines — Naitakas ng Converge ang dikit na 111-109 pa­nalo kontra sa Magnolia upang masungkit ang solo liderato sa 2022-2023 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Kumamada ng 26 puntos, 13 rebounds, 7 asssist at 3 tapal si Jamaal Franklin kabilang na ang krusyal na tres sa huling minuto para akayin sa 3-0 kartada ang FiberXers matapos ang panalo kontra sa Northport, 122-92, at Terrafirma, 130-115.

Nagbato rin ng 22, 18 at 14 markers, sina Maverick Ahanmisi, Alec Stockton at Aljun Melecio, para suportahan si Franklin, na nagpasiklab sa kanyang debut kontra Dyip sa muntikang triple double na 42 markers, 11 rebounds at 8 assists.

Pinalitan ni Franklin si Ethan Rusbatch matapos ang isang laro lang at patunayang hindi nagkamali ng desisyon sa kanya ang FiberXers.

Sa kanyang pamumuno, umariba sa 84-73 abante ang Converge hanggang sa lumamang pa ng 14 puntos papasok sa fourth quarter bago muntikang abutan ng mainit na Hotshots.

Abante pa sa 106-95 sa huling apat na minuto ang FiberXers subalit ‘di agad tumiklop ang Magnolia nang magpakawala ng 9-0 run na tinuldukan ng dakdak ni Erik McCree para lumapit sa 104-106, 2:27 pa sa orasan.

Doon na nagising si Franklin na tinapos ang laro sa kanyang personal 5-0 run tampok ang pambihirang tres sa huling minuto para sa 111-105 abante nila tungo sa tagumpay.

Umariba sa 38 puntos si McCree para sa Hotshots habang may 21 din si Paul Lee subalit kapos pa rin para sa unang salang nila ngayong season-ending conference.

vuukle comment

PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with