^

PSN Palaro

Unang PBA 3x3 crown para sa Gin Kings

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Unang PBA 3x3 crown para sa Gin Kings
Ito ay matapos lusutan ng Gin Kings ang Platinum Karaoke sa overtime, 20-19 para ibulsa ang Leg 3 title ng Third Conference Season 2 kahapon sa Ro­binsons Place Antipolo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pag­kakataon ay nagkampeon ang Barangay Ginebra sa PBA 3x3 tournament.

Ito ay matapos lusutan ng Gin Kings ang  Platinum Karaoke sa overtime, 20-19 para ibulsa ang Leg 3 title ng Third Conference Season 2 kahapon sa Ro­binsons Place Antipolo.

Sinikwat nina Donald Gumaru, Kim Aurin, Ralph Salcedo at Ralph Cu ng Ginebra ang premyong P1000,000 bilang kampeon.

Ipinasok ni Gumaru ang krusyal na jumper matapos makuha ang rebound ga­ling sa mintis ni Aurin para umeskapo sa Platinum Karaoke.

Nakuntento ang Platinum Karaoke, nakabawi mula sa 12-17 pagkakabaon para tumulak ng overtime, sa P50,000.

Nilusutan ng Ginebra ang Meralco, 15-13 habang dinomina ng Platinum Karaoke ang J&T Express, 19-13, sa kani-kanilang semifinals duel para plan­tsahin ang title match nila.

Samantala, kinuryente ng Bolts ang J&T Express, 19-15, para angkinin ang third place at ang prem­yong P30,000.

vuukle comment

PBA 3X3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with