^

PSN Palaro

Lillard nagsunog ng 60 pts kontra Jazz

Pilipino Star Ngayon
Lillard nagsunog ng 60 pts kontra Jazz
Sinubukan ni Fil-Am guard Jordan Clarkson ng Jazz na pigilan si Damian Lillard ng Blazers.

PORTLAND, Ore. — Pa­ra kay Damian Lillard, madali lang umiskor ng 60 points laban sa Utah Jazz.

Nagpasabog si Lillard ng season-high na 60 mar­kers tampok ang siyam na three-pointers para pa­munuan ang 134-124 pa­nalo ng Portland Trail Blazers kontra sa Jazz.

“I think any time you score 60 points it’s special, but I think this one I just felt like it came pretty simple,” ani Lillard na pinantayan ang 60 points ni Luka Doncic sa overtime win ng Dallas Mavericks sa New York Knicks noong Disyembre 27.

Hindi pa rin maungusan ang 71 points na ginawa ni Do­novan Mitchell sa overtime game ng Cleveland Ca­­valiers sa Chicago Bulls no­ong Enero 3.

Nag-ambag si Jerami Grant ng 19 points para sa 23-25 record ng Portland.

Umiskor si center Lauri Markkanen ng 24 points pa­ra pamunuan ang Utah (25-26).

Ang magkasunod na slam dunk nina Grant at Anfernee Simons ang nag­layo sa Blazers sa 121-110 na bigong maputol ng Jazz.

Sa Milwaukee, kumo­lek­ta si star forward Giannis Anteto­kounmpo ng 33 points at 14 rebounds para sa 107-99 paggupo ng Bucks (31-17) sa Denver Nuggets (34-15).

Sa San Francisco, ipi­na­sok ni Jordan Poole ang kanyang winning layup sa huling segundo ng laro sa122-120 paglusot ng nag­dedepensang Golden State Warriors (24-24) sa Memphis Grizzlies (31-17).

Sa Oklahoma City, nag­lista si guard Trae Young ng 33 points at 11 assists sa 137-132 pagdakma ng Atlanta Hawks (25-24) sa Thunder (23-25).

Sa Los Angeles, nagposte si Anthony Davis ng 21 points at may 12 mar­kers ang bagong hugot na si Rui Hachimura sa 113-104 panalo ng Lakers (23-26) sa San Antonio Spurs (14-34).

Sa Sacramento, nagsu­mite si Pascal Siakam ng 26 points at 11 rebounds pa­ra sa 113-95 pagpulutan ng Toronto Raptors (22-27) sa Pacific Division-leading na Kings (27-20).

Sa Philadelphia, kumo­nekta si James Harden ng dalawang tres at isang layup sa huling apat na mi­nuto ng laro sa  137-133 paglusot ng 76ers (31-16) sa Brooklyn Nets (29-18).

Sa Houston, tumipa si Kyle Kuzma ng 33 points sa 108-103 pagdaig ng Wa­shington Wizards (22-26) sa Rockets (11-37).

vuukle comment

DAMIAN LILLARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with