^

PSN Palaro

2 aquatics sports itatampok ng COPA

Pilipino Star Ngayon
2 aquatics sports itatampok ng COPA
COPA pres. Eric Buhain

MANILA, Philippines — Sa tingin ni Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) founder/president Batangas 1st District Rep. Eric Buhain ay nawawala na ang water polo at fin swimming sa swimming pro­gram ng bansa.

Kaya muli niyang ipapa­kilala ang dalawang aqua­tics sports sa pamamagitan ng exhibition matches sa 1st COPA-Samahang Man­lalangoy sa Pilipinas (SMP) Christmas Friendship Swimfest ngayong araw sa Teofilo Yldefonso Swim Pool sa Rizal Memo­rial Sports Complex sa Ma­late, Manila.

“During our meeting, na­pag-usapan namin na wala na yatang nakakakila sa water polo at fin swimming dahil hindi masyadong nabigyan ng ayuda the past years,” ani SMP president at COPA Board member Chito Rivera.

Idinagdag ni Rivera na si Buhain, isang dating Olympian at nagdomina sa Southeast Asian Games, ang may ideya na itampok ang water polo at fin swimming.

Maglalaro ang mga mi­yembro ng national training pool sa water polo at fin swimming sa isang friendly game.

Naging posible ito sa pa­mamagitan ng pagta­tambalan ng COPA at SMP sa pagsisikap na mas mapahusay pa ang ta­lento at kakayahan ng mga Pinoy swimmers sa grassroots level.

“Ito ay magkasanib na pagsisikap ng COPA at SMP para sa 2022,” dagdag pa ni Rivera.

“Sa susunod na taon ay asahan ang mas marami at mas malaking paligsahan sa paglulunsad ng ating programa sa buong bansa para sa grassroots program,” wika ng varsity coach ng Jose Rizal College sa NCAA.

vuukle comment

ERIC BUHAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with