Archers-Falcons playoff para sa huling F4 spot
MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang De La Salle University at Adamson University sa pagdakma sa huling Final Four spot ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament.
Ngayong alas-6 ng gabi ang bakbakan ng Green Archers at Soaring Falcons sa MO Arena sa Pasay City.
Makakatapat ng mananalo sa dalawang koponan ang No. 1 Ateneo Blue Eagles na may dalang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.
Nagtapos sa magkatulad na 5-7 baraha ang La Salle at Adamson na nagresulta sa kanilang playoff.
Naitakda ang ‘do-or-die’ game nang matalo ang Soaring Falcons sa Blue Eagles, 61-66, at manalo ang Green Archers sa UST Growling Tigers, 77-72, sa pagtatapos ng eliminasyon.
- Latest