^

PSN Palaro

Lady Bulldogs ikinasa ang semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanatiling mabagsik ang National University ma­tapos ilampaso ang Far Eastern University, 25-10, 25-17, 25-15, upang ma­siguro ang tiket sa se­mifinals ng Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Kinailangan lamang ng Lady Bulldogs ng 79 minuto para mabilis na pataubin ang Lady Tamaraws at mapalawig ang winning streak nito sa 6-0

“We prepared really well coming into this game. I think that helped us a lot in this game,” ani NU coach Karl Dimaculangan.

Nanguna sa opensa ng Lady Bulldogs sina Erin Pangilinan at Alyssa Solomon kung saan bumanat ang kanyang tropa ng kabuuang 53 attacks at 22 aces.

Umiskor si Pangilinan ng 13 puntos tampok ang walong aces habang nag­lista naman si Solomon ng 10 attacks, isang ace at isang block.

Nagdagdag pa si UAAP Rookie-MVP Mhicaela Belen ng siyam na puntos habang kumana sina Ces Robles at Vangie Alinsug ng tig-walong puntos.

Nalimitahan ang Lady Tamaraws sa 16 attacks dahil hirap itong makabuo ng plays bunsod ng masamang reception.

Nagtala sina Mitzi Pa­nangin, Gail Devosora at Chenie Tagaod ng tig-apat na puntos para sa Lady Tamaraws na nahulog sa classification round.

Sasagupain ng Lady Bulldogs sa semis ang mananalo sa pagitan ng University of Santo Tomas at University of the Philippines.

Sa ikalawang laro, iginupo ng Adamson University ang University of Perpetual Help System Dalta sa bendisyon ng 25-14, 25-16, 25-16 desis­yon para masiguro ang kanilang puwesto sa Final Four. 

vuukle comment

LADY BULLDOGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with