^

PSN Palaro

Hotshots may pakay sa Tropang Giga

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sasalang ang TNT Tropang Giga sa kanilang unang laro, habang target ng Magnolia ang ikatlong sunod na panalo para makasosyo sa liderato.

Lalabanan ng Tropang Giga ang Hotshots nga­yong alas-5:45 ng hapon matapos ang bakbakan ng San Miguel Beermen at Blackwater Bossing sa alas-3 ng hapon sa 2022 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ipaparada ng TNT, nabigo sa San Miguel sa nakaraang PBA Philippine Cup Finals, si NBA veteran Cameron Oliver kontra kay European import Nick Rakocevic ng Magnolia.

Naglaro ang 6-foot-8 na si Oliver sa NBA para sa Houston Rockets at Atlanta Hawks noong nakaraang season.

Ikinukunsidera ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si Oliver bilang naturalized player ng Gilas Pilipinas bukod kay Barangay Ginebra resident import Justin Brownlee.

Hangad naman ng Hotshots, may 2-0 record, na makatabla sa guest team na Bay Area Dragons (3-0) sa liderato.

Sa unang laro, isasalang ng Beermen si Diamond Louis Stone, ang second round pick ng New Orleans Pelicans noong 2016 NBA Draft at naglaro rin para sa Los Angeles Clippers, laban sa Bossing (1-2).

Si Stone ang ipinalit ng San Miguel kay dating NBA campaigner Thomas Robinson na may iniindang back spasms.

vuukle comment

TROPANG GIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with