^

PSN Palaro

Pinay Spikers papalag sa Thailand

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinay Spikers papalag sa Thailand
Michele Gumabao.
STAR/File

MANILA, Philippines — Mapapalaban ng husto ang Creamline Cool Smashers dahil makakasagupa agad nito ang powerhouse Thailand sa pagsisimula ng Asean Grand Prix ngayong araw sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Magtutuos ang Cool Smashers at Thais sa alas-6 ng gabi (alas-7 ng gabi sa Maynila) matapos ang laban ng Vietnam at Indonesia sa alas-3 (alas-4 ng hapon sa Maynila).

Alam ni Cool Smashers head coach Sherwin Me­neses na hindi biro kalaban ang Thailand na armado ng mga beteranong players na may malalim na karanasan.

Subalit handa ang kanyang tropa na makipagsabayan gaya ng ginawa nito sa AVC Cup na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City.

Matatandaang nakakuha ng isang set ang Cool Smashers bago ipaubaya ang 18-25, 25-23, 20-25, 9-25 kabiguan sa kamay ng Thailand sa quarterfinals.

“Ibang level ang Thailand. Malalim na ang experience nila and magandang experience ito para sa amin para mas lalo pang mag-improve,” ani Meneses.

Mismong si Thai ace setter Pornpun Guedpard ang nagsabi na mas maganda ang laro ng Cool Smashers kumpara sa national team na isinabak sa Southeast Asian Games.

Aasahan ng Cool Sma­shers sina two-time Premier Volleyball League (PVL) MVP Tots Carlos, outside hitter Jema Galanza, opposite hitter Michele Gumabao, middle blockers Jeanette Panaga at Celine Domingo, at playmaker Jia Morado.

Kasama rin sa delegasyon si team captain Alyssa Valdez subalit nauna nang inihayag na hindi ito maglalaro dahil galing ito sa pakikipaglaban sa dengue.

Matapos ang Thailand, sunod na sasagupain ng Cool Smashers ang Vietnam sa Setyembre 10 at ang Indonesia sa Setyembre 11.

vuukle comment

MICHELE GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with