^

PSN Palaro

Gilas training magsisimula na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas training magsisimula na!
Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes
FIBA

MANILA, Philippines — Aarangkada na nga­yong araw ang training camp ng Gilas Pilipinas para paghandaan ang fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Magagaan na workouts muna ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas pool sa unang araw ng training sessions nito.

Hindi pa kumpleto ang pool dahil wala pa sa Maynila sina NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz at Kai Sotto ng Adelaide 36ers.

Nakatakdang duma-ting sa Agosto 18 si Sotto mula sa Australia habang sa Agosto 19 naman ang kumpirmadong pagdating ni Clarkson sa Pilipinas.

Wala pa ring pinapa-ngalanang players ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) mula sa PBA dahil hinihintay pa matapos ang semifinal round ng PBA Philippine Cup.

Kaya naman inaasa-hang kaunti pa lamang ang makadadalo sa opening day ng training ng Gilas Pilipinas pool.

Nauna nang inihayag ng SBP ang pangalan nina Japan B.League pla­yers Kiefer at Thirdy Ra­vena, Bobby Ray Parks Jr. at Dwight Ramos, at nina UAAP players Carl Tamayo, Kevin Quiambao at LeBron Lopez.

Maliban kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, kinumpirma ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone ang pagdating nito sa training camp.

Ngunit hindi pa malinaw kung makakasama si Cone sa mismong araw ng mga laro ng Gilas Pilipinas.

Una na ang pagsabak ng Pinoy squad laban sa Asian Cup runner-up Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut, Lebanon kasunod ang pagharap sa Saudi Arabia sa Agsoto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“I’ve been meeting with the Gilas coaches and will join the Gilas practices when they start. But I’m not sure yet if I will actually travel with them,” ani Cone.

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with