^

PSN Palaro

Creamline kampeon!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Creamline kampeon!
Hinirang na PVL Invitational champion ang Creamline Cool Smashers.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Inilabas ng Creamline ang lahat ng bagsik nito para mabilis na pataubin ang King Whale, 25-21, 25-19, 25-8, upang hablutin ang korona ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Naging matikas na sandalan ng Cool Smasher ang solidong depensa nito sa net at floor para pigilan ang anumang pagtatangka ng King Whale.

Nagtulung-tulong sina Tots Carlos, Alyssa Valdez, Gema Galanza at Celine Domingo para masiguro ng Cool Smashers ang ikalawang sunod na kampeonato.

Nauna nang pinagreynahan ng Creamline ang Open Conference noong summer.

Nagtala si Carlos ng 14 hits habang may 13 naman si Galanza.

Nakalikom naman si Valdez ng siyam na puntos, 13 digs at walong receptions samantalang may 11 puntos si Domingo kabilang ang apat na blocks.

Itinanghal na Confe­rence MVP at Best Opposite Hitter si Carlos habang First Best Outside Spiker naman Valdez.

Ibinigay kay Domingo ang Finals MVP.

Ang iba pang awardees ay sina Ces Molina ng Cignal (Second Best Outside Hitter), Mika Reyes (First Best Middle Blocker) at Dell Palomata (Second Best Middle Blocker) ng PLDT, at King Whale players Qiu Shi-Qing (Best Libero) at Liao Yi-Jen (Best Setter).

Sa unang laro, dumaan sa butas ng karayom ang Cignal bago kubrahin ang 17-25, 20-25, 27-25, 25-22, 15-5 come-from-behind win laban sa PLDT Home Fibr upang masikwat ang bronze medal.

Nagsilbing lider ng HD Spikers si outside hitter Rachel Anne Daquis na humataw ng 16 puntos at 14 digs para dalhin ang kanilang tropa sa podium finish.

Nakatulong nito si middle blocker Roselyn Doria na kumana ng 14 puntos tampok ang season high na siyam na blocks habang naglista naman si Jerrili Malabanan ng 13 markers.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with