^

PSN Palaro

PLDT, Army unahan sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PLDT, Army unahan sa semis
Si Mika Reyes ng PLDT laban kay Jovelyn Gonzaga ng Philippine Army sa pagsisimula ng semifinals ng PVL Invitational Con-ference ngayon.

MANILA, Philippines — Sisimulan ng PLDT at Philippine Army ang semifinal round ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang High Speed Hitters at Lady Troopers sa nag-iisang laro sa alas-4 ng hapon kung saan target ng dalawang koponan na makuha ang importanteng unang panalo sa semis.

Pasok sa semis ang PLDT at Army kasama ang reigning Open Conference champion Creamline at Cignal.

Makakasama ng apat na local teams ang foreign squads na Kobe Shinwa ng Japan at King Whale ng Chinese-Taipei.

Importante ang mga laro sa semis dahil ipatutupad ang round-robin format kung saan ang dalawang mangungunang koponan ang papasok sa championship round.

Kaya naman asahan ang pukpukang labanan sa oras na umarangkada ang semis game ng High Speed Hitters at Lady Troopers.

Pangunahing sasandalan ng PLDT si middle blocker Mika Reyes na isa sa mga top blockers ng liga.

Makakasama nito sa ratsada sina Fiola Ceballos, Jules Samonte, Chin Basas at Dell Palomata.

Sa kabilang banda, malalim din ang lineup ng Lady Troopers na binubuo ng mga beteranong players sa pangunguna ni national team beach volley mainstay Jovelyn Gonzaga.

Nariyan pa sina Honey Royse Tubino, Jeanette Villareal, Mary Anne Esguerra, Joanne Bunag at Mary Jean Balse na maa­sahan din sa pagbibigay ng puntos sa kanilang tropa gayundin si playmaker Ivy Perez na bukod sa setting ay kaya rin makagawa ng mga atake.

Magpapatuloy ang semis sa Huwebes tampok ang duwelo ng Cool Smashers at Lady Troo­pers at ng HD Spikers at high Speed Hitters. 

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with