^

PSN Palaro

PLDT, Army sasarguhin ang semis spots

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puntirya ng PLDT at Philippine Army na maipormalisa ang pagpasok sa semis sa pagharap sa mag­kahiwalay na laro ngayong araw sa pagpapatuloy ng  Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Ngunit mapapalaban muna ang High Speed Hitters at Lady Troopers dahil bigatin ang makakasagupa nito.

Lalabanan ng PLDT ang Cignal HD sa alas-2:30 ng hapon habang titipanin ng Army ang Open Confe­rence champion Creamline sa alas-11:30 ng umaga.

Magtutuos naman ang Choco Mucho at PetroGazz sa alas-5:30 ng hapon.

Dalawang tiket sa semis na lang ang paglalabanan matapos hablutin ng Cool Smashers at HD Spikers ang unang dalawang silya,

Kapwa may 4-1 marka ang Creamline at Cignal.

Magkasalo sa No. 3 spot ang High Speed Hitters at Lady Troopers hawak ang parehong 3-2 marka habang nakabuntot sa No. 5 ang Flying Titans na may 2-3 kartada.

Kung mananalo ang PLDT at Army sa kani-kanyang karibal, awtomatikong makukumpleto ang semis cast habang tuluyan nang masisibak ang Choco Mucho.

Kung mauuwi sa three-way tie ang High Speed Hitters, Lady Troopers at Flying Titans, ipatutupad ang quotient system para madetermina ang dalawang papasok sa semis.

Sa semis, papasok na ang dalawang foreign teams na Kobe Shinwa ng Japan at King Whale ng Chinese-Taipei.

Kaya naman inaasa­hang magbubuhos ng lakas ang PLDT, Army at Choco Mucho upang maisakatuparan ang inaasam na silya sa semis.

Kukuha ng lakas ang PLDT mula kina middle blockers Mika Reyes at Dell Palomata.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with