^

PSN Palaro

Cobb hinugot ng Chargers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cobb hinugot ng Chargers
Michelle Cobb.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hinugot ng baguhang Akari si dating De La Salle University playmaker Michelle Cobb para sa kampanya nito sa Premier Volleyball League (PVL).

Pormal nang inihayag ng Chargers sa kanilang social media account ang pagpasok ni Cobb sa kanilang tropa para palakasin ang kampanya nito sa kanilang unang pagsalang sa liga.

“Oh yes, she’s back! Former La Salle dynamo, Michelle Cobb, is all set for a volleyball return via the Akari Power Chargers! Who’s excited to see that patented swagger on the PVL court this October,” ayon sa post ng Chargers.

Malalim ang karanasan ng 23-anyos setter.

Naging bahagi ito ng Lady Spikers na nagkampeon sa UAAP women’s volleyball tournament noong Season 79 at Season 80.

Ngunit ginulantang ni Cobb ang lahat nang magpasya itong lisanin na ang La Salle bago pa man magsimula ang Season 84 ng liga.

Maliban sa UAAP, nakapaglaro na rin si Cobb bilang setter para sa F2 Logistics noong naglalaro pa ito sa Philippine Superliga.

Makakasama ng Chargers si Cobb sa PVL Reinforced Conference na magsisimula sa huling bahagi ng taon.

Ang Akari ang pinaka­bagong koponan sa PVL fami­ly.

Subalit nagpasya ang pamunuan ng Chargers na hindi muna ito sasabak sa PVL Invitational Confe­rence na magsisimula sa Sabado sa Tha Arena sa San Juan City.

Nais ng Akari na makabuo muna ng solidong koponan bago simulan ang kanilang kampanya sa Reinforced Conference.

Inaasahang ihahayag ng Chargers ang mga susunod na huhugutin nito sa mga susunod na araw.

Nakatakdang magsi­mula ang PVL Invitational Conference sa Sabado kung saan unang sasalang ang Cignal HD Spikers at Philippine Army sa unang laro sa alas-2:30 ng hapon.

Susundan ito ng duwelo ng reigning Open Con­ference champion Creamline at ng dating Open Conference titlist Chery Tiggo sa alas-5:30 ng hapon.

vuukle comment

DE LA SALLE UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with