^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas nakabawi

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas Pilipinas nakabawi
Hinabol ng Indian player si Kiefer Ravena ng Gilas Pilipinas para sa tangkang supalpal.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Mabangis ang Gilas Pilipinas nang matikas nitong patumbahin ang India sa pamamagitan ng 79-63 desisyon upang magarbong tapusin ang third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Halimaw si Dwight Ramos na humataw ng 21 puntos, limang rebounds, anim na assists at apat na steals para pamunuan ang Gilas Pilipinas sa ikalawang panalo.

Nag-ambag naman si Kiefer Ravena ng 12 markers, apat na assists, dalawang rebounds at dalawang steals habang umiskor si William Navarro ng 11 markers at apat na rebounds.

Matapos magtamo ng ankle injury sa laro ng Gilas laban sa New Zealand, nasilayan sa aksyon si Carl Tamayo na nagrehistro ng siyam na puntos at siyam na rebounds.

Tinapos ng Gilas Pilipinas ang kampanya nito sa Group A bitbit ang 2-2 baraha.

Wala namang naipanalo ang India sa apat na pagsalang nito.

Subalit nakapasok pa rin ang India sa next round matapos madiskwalipika ang South Korea.

Nanguna para sa India si Bek Hafeez Muin na may 13 markers at sina Pratap Singh Sahaij at Kumar Arvind na parehong may 12 puntos.

Ito ang ikalawang pa­nalo ng Gilas Pilipinas sa India sa group stage sa taon na ito.

Una nang pinataob ng Pinoy squad ang India noong Pebrero sa bendis­yon ng 88-64 desisyon sa Smart Araneta Coliseum.

Nanguna sa Group A ang New Zealand na may 4-0 rekord habang puma­ngalawa ang Pilipinas (2-2) at ikatlo ang India (0-4).

Uusad ang New Zealand, Pilipinas at India sa susunod na round kung saan makakasama nito sa Group E ang Group 3 top three teams na binubuo ng Lebanon, Saudi Arabia at Jordan.

Nanguna ang Lebanon sa Group C bitbit ang 4-1 baraha kabuntot ang Saudi Arabia at Jordan na may parehong 3-2 kartada.

Magsisimula ang se-cond round ng qualifiers sa Agosto 25.

Tatakbo ito hanggang sa Pebrero 27, 2023.

vuukle comment

FIBA

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with