^

PSN Palaro

Gilas reresbak!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas reresbak!
Si Dwight Ramos laban sa Indian defender sa kanilang laban noong Pebrero sa Smart Araneta Coliseum.
SBP

MANILA, Philippines — Ibubuhos ng Gilas Pilipinas ang ngitngit nito sa India sa paglarga ng hu­ling araw ng third window sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang pagtutuos ng Gilas at India sa alas-7 ng gabi kung saan inaasahang daragsain ang venue ng mga Pinoy fans na nais masaksihan ang laro ng Pinoy squad.

Nais ng Gilas Pilipinas na makaresbak sa masaklap na kabiguan nito sa New Zealand noong Huwebes.

Lumasap ng 60-106 desisyon ang Pinoy ca­gers sa Tall Blacks para mahulog sa 1-2 card sa Group A.

Nasa unahan ng grupo ang New Zealand na may imakuladang 4-0 marka.

Hindi pa malinaw kung makalalaro si Carl Tamayo para sa Gilas matapos itong magtamo ng ankle injury.

Dahil dito, 10 players na lamang ang aasahan ni Gilas Pilipinas head coach Nenad Vucinic.

“It will be difficult but we don’t want excuses. We want to try to have a good game and have a chance to win against India,” ani Vucinic.

Sasandalan ng Gilas Pilipinas sina veterans Dwight Ramos at Kiefer Ravena katuwang sina RJ Abarrientos, SJ Belangel, Rhenz Abando, Geo Chiu, Lebron Lopez, William Navarro, Kevin Quiambao at Dave Ildefonso.

Target ng Gilas Pilipinas na maulit ang kanilang 88-64 panalo sa India noong Pebrero sa larong ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Anuman ang maging resulta ng laro ng Gilas Pilipinas at India, awtomatiko na itong papasok sa susunod na round kasama ang New Zealand.

Ito ay matapos ma­dis­kwa­lipika ang South Korea. Kaya naman puwestuhan na lamang ang paglalabanan para sa susunod na round ng torneo.

vuukle comment

CUP ASIAN QUALIFIERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with