^

PSN Palaro

Benilde lumapit sa Final Four

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatumba ng College of Saint Benilde ang San Sebastian College-Recoletos, 25-11, 25-22, 25-14, para makalapit sa unang tiket sa Final Four sa NCAA Season 97 women’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Napatatag ng Lady Blazers ang kapit sa solong pamumuno matapos masikwat ang ikaanim na sunod na panalo.

Nagpakawala ng magandang laro si Jade Gentapa nang umani ito ng 17 puntos at 10 digs upang tulungan ang Benilde na mapanatili ang malinis na rekord nito.

Nagdagdag naman si Mycah Go ng siyam na puntos, siyam na digs at apat na receptions habang nagsumite si Gayle Pascual ng siyam na hits.

Gumawa naman si Cloanne Mondonedo ng 17 excellent sets at siyam na puntos.

Lumasap ang Lady Stags ng ikalawang kabiguan para mahulog sa 4-2 marka.

Bumanat sina Kathe­rine Santos at Bianca Ordona ng tig-10 puntos habang may apat na puntos naman si Reyann Canete sa larong tumagal lamang ng 70 minuto.

Magpapatuloy ang bakbakan ngayong araw tampok ang duwelo ng reigning champion Arellano University at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-12 ng tanghali.

Sa ikalawang laro, na­naig ang San Beda University sa Mapua University, 25-20, 14-25, 25-23, 25-23, para sumulong sa 2-4 marka.

Nagtala si Trisha Paras ng 23 points para pamunuan ang Lady Red Spikers.

Laglag ang Lady Cardinals sa 3-3.

Aarangada rin ang sal­pukan ng Colegio de San Juan de Letran at Emilio Aguinaldo College sa alas-2:30 ng hapon.

vuukle comment

COLLEGE OF SAINT BENILDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with