^

PSN Palaro

Gilas nilamon ng tall blacks

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas nilamon ng tall blacks
Inatake ni Will Navarro ng Gilas Pilipinas ang depensa ng New Zealand.
(FIBA.com

MANILA, Philippines — Lumasap ang Gilas Pilipinas ng masaklap na 60-106 demolisyon sa kamay ng New Zealand upang lasapin ang ikalawang kabiguan nito sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers kahapon sa Eventfinda Stadium sa Auckland.

Tinapos ng New Zealand ang first round tangan ang malinis na 4-0 rekord habang bumagsak ang Gilas Pilipinas sa 1-2 marka.

Hindi hinayaan ng Tall Blacks na makaporma ang Gilas Pilipinas sa kanilang teritoryo matapos nitong ilatag ang malakas na puwersa sa buong panahon ng laro.

Nagpasabog pa ang Tall Blacks ng 22-5 run sa first half para makuha nito ang 47-21 bentahe sa pagtatapos ng second quarter.

Mula noon ay hindi na lumingon pa ang host New Zealand para matamis na kunin ang panalo.

Nanguna sa hanay ng Tall Blacks si Dion Prewster na kumana ng 15 points habang naglista naman si Finn Delany ng 15 markers.

Nakakuha ang Gilas Pilipinas ng 16 points at limang boards kay Carl Tamayo subalit nagtamo ito ng ankle sprain sa huling walong minuto ng laro.

Nagdagdag si Rhenz Abando ng 11 points habang umiskor si Francis Lopez ng walong puntos para sa Gilas Pilipinas na may naitalang 4-of-26 lamang sa three-point area.

Agad na babalik sa Maynila ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang sunod na laro nito kontra sa India.

Idaraos ang Philippines-India game sa Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kasalukuyang may 0-3 rekord ang India.

Anuman ang maging resulta ng mga laro, awtomatiko nang papasok sa next round ang New Zealand, Pilipinas at India dahil nadiskwalipika na ang South Korea sa torneo.

Sa next round, makakasama ng New Zealand, Pilipinas at India sa Group E ang Jordan, Lebanon at Saudi Arabia na nanguna sa Group C.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with