TJ Titans pasok sa quarterfinals ng PBA 3x3 Grand Finals
MANILA, Philippines — Nakasikwat ang Purefoods TJ Titans ng automatic quarterfinals spot para sa PBA 3x3 Third Conference Grand Finals sa Linggo sa Robinsons Place Manila sa Ermita.
Ito ay dahil sa paghahari ng TJ Titans sa Leg 6 matapos patumbahin ang TNT Tropang Giga sa finals para sikwatin ang 100 tour points.
Sasamahan ng Purefoods (No. 3) at TNT (No. 1) sa quarterfinals ang Leg 2 champions na Meralco (No. 2) at Leg 5 titlist na San Miguel (No. 4).
Bitbit ng Tropang Giga, binubuo nina Almond Vosotros, Samboy de Leon, Lervin Flores at Ping Exciminiano, ang 500 tour points kasunod ang Bolts (375 points), TJ Titans (354 points) at Beermen (318 points).
Paglalabanan ng anim pang koponan ang tatlong natitirang quarterfinals seat sa preliminary round.
- Latest