Ginebra sinolo ang 2nd place

Si Ginebra star Japeth Aguilar laban kay Marion Magat ng NLEX.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Muling ipinakita ng Barangay Ginebra ang kanilang ‘never-say-die’ spirit.

Bumalikwas ang Gin Kings mula sa 19-point deficit sa third period para talunin ang NLEX Road Warriors, 83-75, sa PBA Philippine Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Binanderahan ni Japeth Aguilar ang pagbangon ng Gin Kings sa third canto para sa kanilang 3-1 record at solohin ang No. 2 spot habang inilaglag ang Road Warriors sa 2-2.

“NLEX really came out scorching,” sabi ng 6-foot-8 na si Aguilar na humakot ng 20 points, 7 rebounds at 3 blocks para sa Ginebra.

Pansamantalang iiwan ni coach Tim Cone ang kanyang tropa simula sa Hulyo 1 matapos tanggapin ang pagiging assistant ni coach Malik Allen sa Miami Heat summer league team.

Itinayo ng Road Warriors ang 58-39 abante sa 7:11 minuto ng third quarter bago nakabawi ang Gin Kings sa likod nina Aguilar, Arvin Tolentino at Scottie Thompson para agawin ang 81-75 abante sa huling 1:37 minuto ng laro.

Ang dalawang free throws ni LA Tenorio sa natitirang 40.6 segundo ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Ginebra.

Sa unang laro, ku­molek­ta si Fil-Nigerian guard Maverick Ahanmisi ng 17 points, kasama ang 14 sa final canto para igiya ang Converge sa 97-84 pagdaig sa Terrafirma.

Show comments