^

PSN Palaro

France babanderahan ang VNL Week 2 ng men’s division

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pamumunuan ng Tokyo Olympics gold medalist na France ang pagsalang ng pito pang mga world-class men’s volleyball teams sa Week 2 ng Volleyball Nations League ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Magtutuos ang Slovenia at Netherlands sa alas-3 ng hapon kasunod ang upakan ng Argentina at Japan sa alas-7 ng gabi.

Nauna nang natapos ang Week 2 ng women’s division tampok ang pag-sweep ng mga Japanese at Americans para manatili sa first at second spot, ayon sa pagkakasunod.

Sa men’s class ay humataw ang Japan ng 10 points para sa No. 2 place sa ilalim ng US (11 points, 4-0) makaraang magtala ng 3-1 record sa Week 1 sa Brasilia, Brazil.

Sa Week 1 ay tinalo ng Japan ang Netherlands, 22-25, 26-24, 25-22, 25-17, China, 21-25, 25-19, 25-19, 25-18, at ang 2018 Asian Games gold medalist na Iran, 25-20, 25-14, 25-19.

Natalo lamang sila sa mga Americans, 17-25, 25-15, 25-21, 26-28, 15-9.

Ang iba pang sasalang sa aksyon sa torneong inihahandog ng PLDT katuwang ang The STAR, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Maynilad, PSC at POC ay ang Italy, China at Germany.

vuukle comment

OLYMPIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with