^

PSN Palaro

Ginebra itatayo ang 2-0 simula Laro Ngayon

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra itatayo ang 2-0 simula Laro Ngayon
Tim Cone.
PBA media bureau

MANILA, Philippines — Sinandalan ng Baran­gay Ginebra si Japeth Aguilar para makawala sa Blackwater, 85-82, sa ka­nilang unang laro sa PBA Philippine Cup noong Linggo.

Aminado si coach Tim Cone na wala pa sa pamatay na kondisyon ang kanyang mga Gin Kings, nagkampeon sa nakaraang PBA Governors’ Cup.

“We got to figure out a way over these next week or two to get us back in tip-top shape. We’re just not there yet—or anywhere near,” wika ni Cone sa pagharap ng Ginebra sa Rain or Shine ngayong alas-6 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Hangad ng Gin Kings ang kanilang ikalawang sunod na panalo laban sa Elasto Painters na nagmula sa 81-94 kabiguan sa NorthPort Batang Pier noong Huwebes.

Sa unang laro, tangka naman ng NorthPort na masolo ang liderato sa pagharap sa Magnolia sa alas-3 ng hapon.

Magkasosyo sa liderato ang Batang Pier at San Miguel Beermen sa pareho nilang 2-0 record.

Umiskor ang NorthPort ng 100-86 tagumpay sa Terrafirma noong Sabado matapos talunin ang Rain or Shine, 94-81, noong Hunyo 9.

vuukle comment

GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with